(Lia)
Bumalik na kami sa Hahn matapos kong kainin yung burger.
"Bakit mo pala kakausapin si Wes mamaya?"
"Ah. Oo pala. Mukha kasi siyang problemado. Ayun, as his assistant, dapat alam ko kung ano yun kasi baka makaabala yun sa research namin."
Nagtext si Wes. "Saglit lang Ferio ha."
From: Wes
Hey Lia. Pwede bang after nalang ng ME council? I'll treat you to dinner. :)
Libreng pagkain na namaaaaan!
Ako: Sure.
W: See you later, then. :)
A: Ok. See you.
"Dapat sandali lang kayo ha. Sabay tayo umuwi mamaya."
Seryoso?! Inuutusan na niya ako ngayon? Hindi naman niya hawak buhay ko ah... Lokong to.
"Eh... iti-treat nya daw pala ako ng dinner. Bale, hindi na kami magkikita mamayang lunch. Mamayang gabi na."
"So mas gusto mo na siya kasama ngayon kesa sakin?"
Hala! Wala naman akong sinabing ganun. Haha.
"Hala, sorry naman daw. Nauna ko kasi siyang kausap eh."
"Basta bilisan mo. Susunduin nalang kita."
Ba't ba ang weirdo ng taong to? Ano bang masama kung kasama ko si Wes?
Later... sa ME council.
"So I guess lahat tumupad sa usapan. Good. Walang gustong manlibre ng snacks?" Si Drew.
"I'll hold it." Nagprisinta si Ferio. Baaaa. Yaman natin ngayon ah.
Hinugot na naman niya yung kamay ko at saka umalis. "Bibili lang kami ng pagkain."
"Bakit ako na naman hinila mo? Hindi ba pwedeng magpaalam ka muna?"
"Hindi."
"At bakit hindi?!"
"Kasi makikipagtalo ka pa sakin bago ka pumayag. Kaya hinila nalang kita." Haha! Tama naman siya.
After 30 minutes, bumalik nadin kami sa Hahn. Ang yaman niya talaga ngayon. Naka-tatlong libo siya. Pinadeliver pa niya. Nakakahiya naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Song of Fate
Romance[FILIPINO] Kapag sapilitang naitadhana sa'yo ang tinadhana naman talaga para sa'yo, this one's for you! Isa na namang kwentong patungkol sa arranged marriage, na nilagyan ng konting twists and turns. (c) 2012