Chapter 21: Kung Pwede Lang Maging FOREVER ang ISANG ARAW.

89 0 0
                                    

(Lia)

After ng research...

Lumapit ako kay Wes para kausapin siya.

"Wes?"

"Hmm?"

"May problema ba?"

"No, it's nothing..."

"Si Avery ba?" Mukhang nagulat siya.

"Wala. Hayaan mo na, Lia." He just smiled.

"May problema ka eh... Sabihin mo lang. Pwede ka naman magsabi sa'kin..."

"Sure..."

"Sasabay ako mag-lunch sa'yo. Ikwento mo ha."

Biglang...

"Ms. Mukhang Libre. Samahan mo nga ako." Hinugot ni Ferio ang kamay ko at nagmadaling lumabas ng room.

"Ano ka ba? Kausap ko pa si Wes!" Lumingon ako kay Wes at sinigaw ko, "Text nalang kita mamaya ha! Bye!" Nakita kong tumango siya at nag-wave ng hand.

"Ui! Ano ba problema mo? May kausap ang tao eh."

Hindi nagsasalita si Ferio. Ano to, lokohan?!

"Oi! Ferio!"

"Wag kang maingay. Basta sumama ka lang. Ililibre kita."

Ano daw?!

LIBRE? LIBRE BA NARINIG KO? GO AKO DIYAN!

"Ah... Ah. Sige."

"Nakarinig ka na naman ng libre, tumino ka na."

"Eh siyempre, libre yun eh!"

"Mukha ka talagang libre, alam mo yun?"

"Oo! Alam na alam ko no. Haha!"

Nag-smile lang siya.

Kahit maraming tao sa paligid namin, rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas. Parang tatalon na siya mula sa kinalalagyan niya.

Ano ba to?! Joke lang to. Promise.

Bumili ng 2 burger si Ferio. Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Waaa! Nagjo-joke ba siya? Kainis naman eh... Hindi ko alam kung ninenerbyos ba ako o kinikilig. Haha!

Hinila niya ako papunta sa upuan sa may Aden bldg. Great. Kung san kami unang nag-away. Umupo kami dun at binigay niya sakin yung burger. Binitiwan na niya yung kamay ko, pero ayaw tumigil ng puso ko sa kakatibok ng malakas. Aba, energetic masyado ang puso ko ngayon ah. Ang lakas at ang bilis kaya ng tibok niya. Ayaw pa tumigil. So energetic! Haha.

The Song of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon