Try clicking the external link for a one-shot divided into three parts story XD
--------
(Lia, still)
Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng limo na to. Pero, anuber... Papa God, clue naman oh? Dapat ba akong mag-freak out?!
Huminto sa isang tahimik na lugar yung limo. Ohmygood! Kung mare-rape din lang ako, patayin nalang nila akooo *>___<*
Lumabas ako sa limo kasi antagal ko nang nag-eemote, wala naman nangyayare. Eh ayun.
Biglang may humila sakin paglabas ko.
Waaaa. Walang liwanaaaag! -____- Ano to?! Nahihilo naman ako? Halaaaa. Ang virginity ko >_____< Ferioooooooo!
Virginity talaga agad??! Hahaha.
(short pause; nag-black kunware ang screen. Haha)
Nung magising ako, nakaupo ako sa isang silya... Pero maliwanag. Ano ba namang klaseng kidnapper yun, sa maliwanag na lugar pa ko dinala. Di ba usually sa madilim dinadala? Ano, kampana lang kuya?
Tanga lang, tanga lang, tanga lang?!
Ano ba kasi tong naka-sukbit sa ulo ko?! Sagabal eh. Eh tanga din pala ako eh. HAHA.
May salamin pala sa harap ko. Saka parang dressing room to na ewan... Pero, dressing room naman talaga!
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kanina lang mukha akong haggard. HA?! SERIOUSLY?! Anong ginawa nila sa mukha ko? Hahahaha.
Naka-make-up na ako. At may belo sa ulo.
Anong pinaglalaban ng mga to??!
Bago pa ako ma-windang sa lahat ng nangyayare, binalak kong sampalin ang mukha ko. PERO SAYANG ANG MAKE-UP, wag nalang. XD
Kaya kinurot ko nalang ang braso ko, baka kasi nananaginip na naman ako. Yung katulad ng dati? Pero hindi eh. Halos bunutin ko na balat ko, pati yung muscle sa loob nun, (feeling ko natsci ako. Hahaha!) pero nasasaktan ako. Biset. Hindi ko nalang sana sinagad ang pag-kurot. >____<
Tumingin ako sa paligid, walang tao. Langya naman mga tao dito. Talagang echuserang mga palaka lang ang drama nila?! Tapos sa mga ganitong sitwasyon, wala man lang sila?
Papa God! Ano po ba nangyayare?! PLEASE ENLIGHTEN ME!
BINABASA MO ANG
The Song of Fate
Romance[FILIPINO] Kapag sapilitang naitadhana sa'yo ang tinadhana naman talaga para sa'yo, this one's for you! Isa na namang kwentong patungkol sa arranged marriage, na nilagyan ng konting twists and turns. (c) 2012