(Drew)
"Hi Drew!" bati nila sakin.
"Hello. Aba~ malapit na kayong matapos ah. Good job."
"Thanks boss!"
"Keep it up. Kung ayaw niyong masira ang overnight natin mamayang gabi. Haha!" Wala si Wes at Jam ah. Saan kaya mga yun? "Nasan sina Wesley at Jam? Sasama ba sila mamaya?"
"Yup. Pero absent sila sa mga klase kanina eh. Kawawa nga si Miss Lia sa research kanina." si Erick.
"Bakit daw sila absent? Nacontact nyo ba?"
"Si Jam sasama naman daw mamaya. Medyo nilalagnat daw siya kanina kaya hindi siya nakapasok." Si Ferio naman.
"Si Wes?'
"Hindi ma-kontak si Wes eh." Si Ryler naman.
"Ano kayang nangyari dun? Saglit ha. Try kong tawagan. Tuloy niyo lang yan."
"Yes boss."
Nagring nang nagring yung phone ni Wes pero hindi siya sumasagot. Ano kayang problema nun?
After five calls, sumuko na ko.
"Hindi naman siya sumasagot guys."
"Pati kanina, ganyan din. Ewan dun. Hindi man lang nagsabi satin. Tsk tsk." Jeren.
"Ano kaya nangyari dun? Hmm. Bahala na. Basta guys, tapusin niyo na yan. Pupunta naman siguro siya mamaya."
"Oo yun! KJ much si Papa Wes pag di siya gumora." Obyus namang si Cole di ba? Haha!
"Sasama yun." si Ferio.
"Sana nga..." Bakit naman kaya mukhang sigurado si Ferio sa sinabi niya?
(Ferio)
"Hindi naman siya sumasagot guys."
"Pati kanina, ganyan din. Ewan dun. Hindi man lang nagsabi satin. Tsk tsk."
"Ano kaya nangyari dun? Hmm. Bahala na. Basta guys, tapusin niyo na yan. Pupunta naman siguro siya mamaya."
"Oo yun! KJ much si Papa Wes pag di siya gumora."
"Sasama yun."
"Sana nga..."
Sasama yun. Sasama talaga siya kasi kasama si Lia.
BINABASA MO ANG
The Song of Fate
Romance[FILIPINO] Kapag sapilitang naitadhana sa'yo ang tinadhana naman talaga para sa'yo, this one's for you! Isa na namang kwentong patungkol sa arranged marriage, na nilagyan ng konting twists and turns. (c) 2012