Chapter 26
(Calix)
Nagtaxi ako mula sa boarding house nina Lia papunta sa Zola*. Nagsinungaling na naman ako kay Lia. Hindi naman talaga tungkol sa quiz kung bakit ako pupunta sa Zola. Kundi dahil sa kanya. Kay Lia.
(*Zola - isang bar sa Baguio. Sa Session Road siya. Try nyo ü)
Mabait na tao si Lia. Unti-unti, nagugustuhan ko na rin siya. Katulad ng sabi ko sa kanya nung isang gabi lang, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Hindi siya yung tipo ng babaeng magugustuhan mo sa unang tingin, kasi hindi naman siya stunning unlike those ladies na talagang sinusundan ng tingin. Siya yung tipo ng babaeng you-can't-help-yourself-but-fall when you finally get to know her.
She's simple. But she's totally amazing.
Bumaba na ako. Nag-order ng 3 beer at naghanap ng mauupuan.
Hindi ko kasi pwedeng sabihin kay Lia yung ginagawa ni dad para samin. Akalain mo ba namang umabot na sa pagpuputol ng partnership nila ang matter na to. Baka mas lalong malungkot si Lia pag nalaman niya yun. Ayoko naman malungkot siya.
## flashback ##
Habang nasa taxi pauwi...
"Kamusta ka pala? Mukhang masyado kang busy these days."
"Ah... oo eh. Para sa fair next week."
"Wow... anong booth ng ME?"
"Secret! Abangan mo nalang. Haha."
"Ay... Ganyan ka na..."
"Kaw talaga. Parang yun lang nagtampo ka na agad?"
"Hindi naman. Medyo lang. Haha! Kamusta naman lovelife in general?"
"Pa-in general in-general ka pang nalalaman. Haha. Eto... magulo."
"Bakit naman?"
"Sobrang daming tao nang involved sakin. Nagkabuhol-buhol na sila around me."
"Ang lalim. Di ko mahukay. Haha!"
"Haha. Basta yun. Kung meron sana tayong mas mahabang oras di sana kwento ko na. Manong, dito nalang po."
## end of flashback ko ##
May balak sana akong i-open sa kanya yung balak ni dad. Pero nung narinig kong magulo ang mga bagay-bagay sa kanya, naisipan kong wag nalang.
Dumating na yung order kong beer. Sinimulan ko na ding uminom.
BINABASA MO ANG
The Song of Fate
Romance[FILIPINO] Kapag sapilitang naitadhana sa'yo ang tinadhana naman talaga para sa'yo, this one's for you! Isa na namang kwentong patungkol sa arranged marriage, na nilagyan ng konting twists and turns. (c) 2012