Walong taon narin ang lumipas mula ng makilala ni Amara ang isang diyos na nagngangalang Sebastian. Pitong taon narin silang kasal at tahimik na naninirahan sa mansion ni Sebastian sa lupa. Kinasal sila sa bundok ng Karin, at ang lola ni Sebastian ang nagkasal sa kanila. Nagulat panga si Amara dahil kasing bata nila ang lola ni Sebastian. Ang ganda-ganda pa nito.
Marami narin ang nagbago sa mga lumipas na taon.
Simulan muna natin sa mga tao sa Pacific Kingdom. Si Sir Lenox parin ang namumuno doon and four years ago ay nag-expand pa ang Pacific Kingdom. May amusement park na doon. Ang kaibigan naman ni Amara na si Jellea, ay napangasawa ang kaibigan ni Sebastian na si Winston. Nabiyayaan ng kambal na lalaki ang dalawa at naninirahan sila ngayon malapit sa bahay nila ni Sebastian. Nagkakilala sila ng minsang naspotan ito ni Winston na lumalangoy sa karagatan ng Pasipiko. Si Keon naman, ay ayun bakla parin. Pero nag-ampon siya ng isang tao na batang babae. Para naman daw may tagapagmana siya pagdating ng panahon. Kaya ayun. Minsanan na lamang siya kung makadalaw sa Pacific Kingdom dahil narin sa anak niya.
Magkakapitbahay parin silang tatlo sa subdivision na pagmamay-ari ni Winston. Ginagabayan din kasi ni Amara at Jellea ang baklang kaibigan sa pagpapalaki ng anak nito. Kasi baby palang si Nikki ng dumating sa buhay ni Keon.
Ang pamilya din naman ni Amara ay andoon na ngayon nakatira sa Pacific Kingdom. Sa bahay ni Amara nakatira ang kanyang mga magulang, nagdalaga na kasi ang kambal na kapatid ni Amara at pinag-aral ni Sebastian sa ibang bansa. Nagretire na rin sa pamumuno ng Illiya Agency si Madam Illiya, mas pinili nitong tulungan ang asawa sa acienda nila. Iniwan nito ang pamumuno ng Illiya Agency kay Amara. Dahil bukod sa manugang niya ito ay nakita din kasi niya na bagay si Amara sa posisyon na iniwan niya. At kahit hindi pa si Amara ang nakatuluyan ng anak ay ito parin ang pagkakatiwalaan ng dyosa upang pamunuan ang Illiya Agency.
Nandyan parin ang mga itim na engkanto, hindi na siguro sila mawawala pa. Atleast wala na ang hari nila upang pamunuan sila. Sa ngayon ay small cases na lamang ang natatanggap nila sa Agency. Pinapayagan din siya ni Sebastian na kumuha ng mga misyon. Naiintindihan din naman kasi ng asawa niya na nasa dugo na niya ang pagiging mandirigma. Pero minsan naman ay ipinapagawa na lamang ito ni Amara sa ibang agents ng Illiya. Mas gusto niya kasing alagaan ang kanyang mag-ama.
Gaya ngayon. Araw ng Linggo at walang trabaho sila ni Sebastian.
“STOP FLYING!!!”sigaw ni Amara sa kanyang mag-ama na si Sebastian, King at Semara. Lumilipad nanaman kasi ito sa sala nila. Bumaba naman ang tatlo at humarap sa kanya. “Diba sinabi ko na wag kayong magliliparan dito sa loob ng bahay dahil baka mabangga kayo sa mga gamit?”
“Mama naman. Ayaw mo na nga kaming payagan ni Papa na maglaro sa labas. Ipagbabawal mo pa samin na lumipad dito sa loob”malungkot na sabi ni Semara na kamukhang-kamukha ng kanyang ama. May mga itim na itim din itong mga mata. Ngunit nakuha naman ni Amara ang hugis ng mukha ni Semara at ang kutis nito.
“Bad Mama”maikling sabi naman ng kanyang bunsong anak na si King Arseb o si King. Apat na taong gulang it at kamukha parin ni Sebastian.
Ngunit nakuha nito ang mga asul na mata ng ina.
Bakit King? Ito ang nagmana sa kapangyarihan ng ama ng lolo ni Sebastian. Ang diyos ng panahon. Ang pinaka-unang hari sa lahat ng mga engkanto. Si King ang bagong diyos ng panahon. Nalaman nila ito ng maipanganak si King ay lumitaw nalamang ang isang gray na bertud. Patunay na ito ang bagong diyos ng panahon.Ganito sila ngayon ni Sebastian. Magulang ng dalawang makukulit na bubwit. Si Maria Semara Asuncion na 8 years old at si King.
“Baby, baka kasi mapano kayo ni Ate. Malulungkot si Mama nyan. Alam nyo namang hindi nyo pa control ang powers nyo diba?”sabi niya sa mga anak. Tumango naman si Semara at King.
“Okay Mama, punta nalang ako kina Tito Winston. Maglalaro kami nina Jenston at Lenston. Pupuntahan din namin si Nikki. Isasama ko si King. I will take care of him. Promise”paalam ng kanyang panganay na si Semara.
“Oh siya sige. Basta’t no powers outside hah?”paalala ni Sebastian sa mga anak.
“Okay Pa”humalik ito sa kanila ni Sebastian bago lumabas ng bahay na karga ang bunsong kapatid.
Pag-alis ng mga anak ay nagpatuloy sa likod ng bahay si Amara. Lilinisin niya ang pool. Sumunod naman sa kanya si Sebastian.
“Kailan natin pwedeng ibigay kay Semara ang bertud na binigay ni Kiron at Argadeo?”tanong ni Amara sa asawa na nakayakap sa likod nya.
“Tsaka na siguro kapag naging 18 na siya. Baka hindi niya kayanin ang dalawang bertud”sagot naman ni Sebastian sa kanya. “Come on, hon. Tama nayan. Wala ang dalawa oh.”
Lumipad bigla sa hangin ang dala niyang panlinis sa pool at walang kung ano-anong lumipad sila ni Sebastian patungong kwarto.
“I said no flying.”sabi niya sa asawa at pinalo ang bisig nito. Dinaganan naman siya ni Sebastian at inamoy-amoy ang kanyang leeg habang nakayakap ito sa kanya.
“Amara can you sing me a song please. Yung kinanta mo nong sineduce mo ako non”pakiusap ni Sebastian sa kanya.
Ngumiti naman si Amara at hinalikan ang tungki ng ilong ng asawa. Kinantahan niya naman ito. Nanatili naman si Sebastian na nakatingin sa kanya.
“Hali ka aking irog, malalim na ang gabi. Ako’y iyong yakapin sa ilalim ng karagatan. Halika aking mahal, lumapit ka saakin. At doon sa aking mundo. Ikaw ay sumabay. Sumama ka sa aking mundo at tayo’y magmahalan. Ikaw at ako mahal ko. Hindi maghihiwalay. Halika aking irog malalim na ang gabi. Ikaw at ako mahal ko. Hindi maghihiwalay hanggang kamatayan”kanta ni Amara habang hinahaplos ang kanyang pinakamamahal na asawa.
“What have you done to me, Amara?Kahit ang creepy ng kantang yun mahal na mahal parin kita”tanong ni Sebastian sa kanya. “I’m so inlove with you”
“I’m so inlove with you too”sagot niya sa binata.
Hinalikan naman siya ni Sebastian ng puno ng pagmamahal.Siya si Amara, isang mandirigmang sirena na nagmula sa dagat ng Pasipiko. Iniligtas ang buong bansa sa tulong ng isang diyos. Ang diyos na siyang nagpatibok ng kanyang puso.
Marami pa silang problemang kakaharapin.
Ngunit alam niyang kaya nilang malampasan iyon. Talamak man ang kasamaan ng mga itim na engkanto, handa naman silang mga mabubuting engkanto na iligtas ang mga tao at ibang engkanto laban dito.
Hindi kailanman magtatagumpay ang masama sa mabuti.