Ilang oras narin silang naglalakbay ni Sebastian sa kagubatan ngunit walang nagpapahinga sa kanila.
Binigyan sya ni Sebastian kanina ng burger, fries at coke na galing pa sa isang sikat na fastfood habang naglalakad sila. Tinanggap naman niya dahil nagugutom siya.
Pero nakapagtataka talaga ang maliit nitong sling bag. Talagang makapangyarihan iyon kasi maraming laman ang bag nito kahit maliit lamang.
Hindi tuloy mapigilan ni Amara ang sumulyap-sulyap sa bag nayun paminsan-minsan.
Pinagmasdan ni Amara ang kanilang dinaraanan. Daan ito patungo sa kabilang dalampasigan. Na kung saan matatanaw ang islang tinitirhan ni Simaya.
"Hindi kaba lilipad?"tanong ni Amara kay Sebastian na tahimik lang sa paglalakad. Parang may malalim itong iniisip.
Kumakain pa ito ng chocolates.
"Kung hindi kalang sana duwag. Eh di sana nakarating na tayo ngayon"sabi nito na halatang galit.
Napahinto si Amara.
"Ako pa ang sinisisi mo? Eh kung mauna ka nalang kaya?"sabi ni Amara sabay turo sa sarili.
Tumigil naman si Sebastian sa paglalakad at hinarap ang dalagang sirena.
Damn those dark eyes! Natutulala talaga si Amara kapag nakatitig siya sa mga matang yun.
"Then what? Leaving you here? Kasama kita sa misyong ito. Mapapagalitan ako ni Mama kapag iniwan daw kita"paliwanag ng binata at kumagat ulit ng chocolate.
Uminit naman bigla ang ulo ni Amara. Parang ipinapalabas nito malaking pasanin lamang siya sa misyon. Kahit ang cute ng lalaking kumakain ng chocolates ay aawayin parin ito ni Amara.
"Ano ako bata? I've been working for 5 years sa agency. Marami narin akong misyon na ako lang mag-isa! Minamaliit mo ba ako?"galit nyang sabi na nakapamewang pa.
"But we are damn partners! Dapat magkasama tayo palagi!"
"Then stop saying that Im a coward! Takot lang talaga ako sa matataas na lugar"
"How can I say that your not coward if you keep on being afraid of heights?"tanong ni Sebastian sa dalaga. "Mas mapapadali pa sana ang misyon natin kung hindi ka ganyan."
Natahimik naman si Amara at bumuga ng hangin.
"Lumaki ako sa karagatan, Sebastian. Hindi mo ako masisisi kung hindi ako sanay sa himpapawid"kalmang sabi ng dalaga.
"Well Im not scared of the ocean. I know how to swim"prenteng sagot ng binata.
"And I can't fly!"sigaw ni Amara dito na ikinagulat naman ni Sebastian. Sinigawan lang naman sya ng isang babae. Nahulog panga niya yung chocolate na hawak sa gulat. Binibiro lang naman niya ang dalaga kasi ang seryoso nito masyado.
"Okay"tinaas naman ni Sebastian ang kanyang mga kamay. "Hindi na tayo lilipad. Maglalakad nalang tayo"
Bigla kasing tinablan ng takot si Sebastian sa kasama. Tapos ay nagpatuloy na ito sa paglalakad at si Amara naman ay napangiti.
She can't believe na hindi na muling lumaban pa sa kanya si Sebastian. Akala nya'y bakla ito katulad ng pinsan nitong si Keon. Na kaya syang sagot-sagutin kahit na babae siya. May pagkagentleman din pala si Sebastian. Gwapo na, gentleman pa.
Parang kinilig siya habang iniisip yun. Umiling siya at huminga ng malalim. Masyado naman ata siyang matanda upang kiligin na para bang teenager.
"Wait" tumigil si Sebastian sa paglalakad at nakiramdam sa paligid. "May kakaiba sa hangin"