NATIGIL sa paghahalo ng niluluto si Amara ng kumalampag ng malakas ang pinto niya. Si Sebastian naman ay inilabas ang sariling baril. Baka kasi may mga kalaban nanaman sila.
"Drop that. Mga kaibigan ko lang yan"suway ni Amara sa binata at nagpatuloy sa pagluluto. Si Sebastian naman ay itinago ulit ang baril.
Narinig naman nila ang pagbukas ng pinto at malakas na pagsara nito. May mga paa rin na patakbo patungong kusina.
"AMARA! BRUHA KANG BABAETA KA MAY DINALA KARAW NA ENGKANTO SA LUPAAAAA!"sigaw ni Jellea na nakapamewang pa.
"ABA! ABA! ILANG BUWAN KALANG NA NAWALA KUMEKERENGKENG KANAAAA?!!BUNTIS KA NO? GANUN MO LANG BIGLANG BINIGAY ANG VIRGINITY MO?!"sigaw naman ng nakasunod na si Keon.
Napakamot naman sa ulo si Sebastian.
Kabaklaan talaga ng pinsan niya.
Lumapit pa ito kay Amara at marahang hinila ang buhok ni Amara.
"SINO AMARA?! SINOOOO---OMG! SEBASTIAAAANNNN?!"sigaw ng kanyang pinsan ng makita siya nito.
Pinandilatan naman nito si Amara. Si Amara rin ay pinandilatan ito. Pati si Jellea ay nakisali rin sa pagdidilatan. Para silang nag-uusap gamit ang mga mata. Napatawa nalang si Sebastian dahil sa inasal ng magkakaibigan. Sa huli ay nakatanggap ng kurot si Amara sa dalawa.
"Anong dahilan at nakasama ka sa babaetang ito Sebastian?"tanong ni Keon sa pinsan ng mahimasmasan na ang dalawa at nakaupo na rin sa lamesa. Umupo narin si Amara sa lamesa pagkatapos magluto.
"Pupunta kasi sana kami sa Lawod. Kaya lang may bagyo. Magpapalipas muna kami ng gabi dito"paliwanag ni Sebastian sa pinsan.
"Ang swerte mo bruhilda ka. Nakachokchakan mo ang fafabols nayan. Malandi kana talaga. So proud of you"bulong ni Jellea na narinig naman ang lahat. Namula naman si Amara.
At nang magtama ang mata nila ni Sebastian ay yumuko ang dalaga. Lihim naman na natuwa si Sebastian. He found it cute.
"Hala! Hala! May ganun? Malandi ka talaga"binato naman ni Keon ng mansanas si Amara. Napadaing ang dalaga kasi natamaan ang ulo nito. Sinalo din naman nito ang apple at binato pabalik sa kaibigan.
"Hey stop embarrassing her"pagpigil naman ni Sebastian. Mukhang nagkakasakitan na kasi ang tatlo. "Ang mabuti pa ay samahan nyo ako kay Tito Lenox. It's been months mula nong nagkita kami."
"Ahm. Kumain muna tayo"tumayo naman si Amara na nakakagat sa labi. Nakakahiya naman kasi ang pinagsasabi ng mga kaibigan niya.
Naghanda siya ng pagkain at kumain silang apat.
Nag-aasaran naman silang apat kaya kalaunan ay nawala na ang hiya ni Amara. Pagkakuwan ay nagbihis muna si Amara ng simpleng bestida na kulay pula. Pinaresan niya naman ito ng red doll shoes at sinukbit niya sa balikat ang sling bag na bigay ni Winston. Naglagay di siya ng kunting lipstick at lumabas na ng kwarto. Nag-aayos talaga siya kapag pumupunta sa Mansyon.Nakakahiya naman kasi kapag mukha siyang dugyot kapag humarap siya sa kanilang pinuno. At tsaka gusto nya ring humarap na maganda kay Sebastian. Hala! Malandi nga yata siya. Tama yung sinasabi ng kanyang mga kaibigan.
"Ayy taray! Kung makared. Pak! Maria Mercedes!"komento ng kanyang bakla na kaibigan nang makita siya nito.
"Simple lang naman ako ah?"depensa ni Amara sa sarili.
"Shut up Amara! Ako pa niloko mo. Nahiya si Maria Clara sa kasimplehan mo"sabi ni Keon. "Naku! Naku! Amara hah! Yang kalandian mo"
"Red kasi...inlove"kinurot naman ni Amara si Jellea dahil sa sinabing iyon.
Napatingin naman sila sa nagbukas na guestroom ni Amara. Nakiligo rin kasi si Sebastian. May mga damit naman daw itong dala sa mahiwaga nitong bag. So yun nanga. Niluwa mula sa pinto ang isang diyos.
Natulala si Amara sa kagwapuhan nito. Nakasuot ito ng kulay faded blue na longsleeves na tinupi nito hanggang siko. Nakasuot rin ito ng jeans at itim na rubber shoes. Kahit malayo ito ay ang bango-bango nito. Para itong model.
"Sorry ito lang kasi ang nadala kong damit"paumanhin nito na pinagpag ang suot na longsleeves. Para naman kay Amara ay nagslowmo itong pinagpag ang sarili. Bumakat tuloy ang matipuno nitong dibdib. Napalunok si Amara. Grabe ang gwapo naman ng mahal niya.
Parang nagslowmo ng lumapit sa kanya si Sebastian.Si Sebastian naman sa kabilang banda ay natulala rin kay Amara. Napakaganda nito sa suot na bestida. And when she looks at him. Parang tumatagos hanggang sa kanyang puso ang mga titig nito.
"Ang ganda mo"sabi niya dito na ikinapula naman ng pisnge ng dalaga.
Ngumiti naman si Amara sa kanya ng mahinhin. Damn.
"Salamat"
Nginitian niya ang dalaga. Nginitian din siya dito. Parang sila lamang dalawa ang engkanto sa mundo.
"Ayun. Kaya dumadami ang populasyon ng mga engkanto sa bansa dahil sa titigang ganyan eh"singit ni Keon na nagpagising sa kanilang dalawa ni Sebastian.
"Lets go"Aya ni Amara sa lahat. Kelangan niyang makaiwas muna sa kagwapuhang taglay ni Sebastian.
Sumunod naman na bumubungisngis si Jellea at Keon. Si Amara ay namumula na nagpatiuna habang si Sebastian ay nakangiti lang na nakasunod sa tatlong magkakaibigan.
NANG makarating sila sa Mansyon ay dumeretso agad sila sa garden ni Sir Lenox. Mahilig kasi ito sa mga halaman.
"Tito Lenox?"tawag ni Sebastian dito.
Lumingon naman ang matandang engkanto natulala sa nakikita. Matagal din niyang hindi nakita ang tiyuhin. Ewan din ba nya at hindi nakakahinga sa tubig ang kanyang ina. Gayong magkapatid sila ng Tito Lenox niya. Ang sabi ng kanyang Lola ay regalo daw ng Ninong ni Tito Lenox niya noon ang pamamahala sa Pacific Kingdom.Lumapit naman dito si Sebastian at yumakap.
"Sebastian? How? Sino ang nagdala sayo dito?"Tanong ng naguguluhang Sir Lenox.
"Si Amara po"sabi nito.
"Ohhh?"marahang tumango si Sir Lenox at tinignan si Amara.
Yumuko naman si Amara dahil nahihiya siya.
"Natutuwa ako dahil nakarating ka dito Sebastian. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. May hindi yata sinasabi saakin ang Mommy mo"
Si Sebastian naman ay nagtataka rin. Bakit ba kasi big deal ng mga engkanto sa dagat ang kanyang pagparoon?
"Tara pumasok na tayo sa loob at makakain na. Magpapahanda ako ng marami dahil andito ang pinakapaborito kong pamangkin."sabi ni Sir Lenox na ikinasabat naman ng kanyang anak na si Keon.
"Pa, si Sebastian lang naman ang pamangkin mo"sabi ni Keon na tumatawa pa.
Tumawa naman silang lahat, maliban kay Amara na hindi pamakali.
PAGKATAPOS kumain nila Sebastian ay kinausap muna ng kanyang Tito Lenox si Amara. Makikita naman ito ni Sebastian sa di kalayuan. Nakayuko lamang si Amara habang ang kanyang Tito ay nakangiting kinakausap ito. Hindi niya alam ang pinag-uusapan nito pero ng bumalik ang dalaga ay pulang-pula ang mukha nito habang ang kanyang Tito ay tuwang-tuwa nanaman.
Pagkaraan ng ilang oras ay nagpasya silang apat na bumalik sa bahay ni Amara.