Chapter 1:Amara and Sebastian's Life

5.3K 96 15
                                    

Maingat na lumangoy si Amara. Dala ang kanyang may kalakihang baril. Dahan-dahan nyang ikinubli ang kulay pilak na buntot sa isang malaking coral. Maingat naman sa kabilang banda na lumabas ang kanyang target. Isang napakalaking pugita.

May magaganap kasing salo-salo mamaya sa Pacific Kingdom. At ito ang naisipan nyang dalhin. Tuluyan ng lumabas ang dambuhalang pugita. Kasing laki ito ng bangka. Agad na inayos ni Amara ang baril na dala. Itinutok nya ito sa mata ng target at walang pagdadalawang isip na binaril nya ito.

Sapul sa mata!

Nagpasag-pasag ang pugita. Naglabas din ito ng itim na tinta, kaya bago paman kumalat ang dugo at tinta nito ay ikinulong agad ito ni Amara sa isang malaking bula. Mahirap na. Baka dumugin ng pating at agawan sya ng huli.

Lumabas naman sa pinagkakakublian si Amara. Muli nyang inutusan ang tubig at lumangoy sya habang nakasunod sa kanya ang malaking bula kung saan natatakpan na ang huli nyang pugita ng sarili nitong tinta.

Pumasok sya sa isang madilim na kweba. Umatras ang higanteng alimango upang makadaan sya. Bantay ng kweba ang napakalaking alimango. Kaya walang nakakapasok doon maski tao. Naramdaman naman ng mga glowing seaweeds ang presensya nya at unti-unti itong umilaw.

Lumusong paibaba si Amara. Hindi nya alam kung gaano kalalim ang kanyang binaba. Nang makarating sa sukdulan ay isang malawak na karagatan ang makikita. Malayang lumalangoy ang mga sirena at sireno. Nagsisilbing ilaw sa paligid ang naglalakihang umiilaw na corals. Isang paraiso sa ilalim ng kweba. May mga kataw rin na makikita at iba pang mga engkanto ng karagatan. Patuloy lang sa paglangoy si Amara. Di alintana ang mga titig ng mga kapwa engkanto na naguguluhan kung ano ang laman ng bulang nakasunod sa kanya.

"Ate Amara! Ate Amara!"may boses na pumasok sa kanyang isip.

Nang lingunin nya ang bandang kaliwa ay nakita nya ang batang sirena na si Celerina. Nakangiti ito sa kanya.

"Ano iyon, Celerina?"tanong nya rito.

Sa pamamagitan ng pag-iisip nag-uusap ang mga sirena kapag nasa tubig sila. Maliban nalang kung nasa loob sila ng Pacific Kingdom. Lahat din ng sirena at sireno ay kayang kontrolin ang tubig. Ang ibang engkanto naman ng karagatan ay may kanya-kanya ding kakayahan.

"Ano po iyang dala mo?"tanong ng batang sirena na nakakapit pa sa buntot nya. "Ang ganda-ganda talaga ng buntot nyo po, Ate Amara"

Ngumiti si Amara dito. Iba ang buntot niya sa lahat ng mga sirena. Siya lamang ang sirena na may kulay pilak ang buntot. Naglalakihan rin ang mga palikpik sa kanyang buntot. Ang sabi ng kanyang ina ay regalo ang kanyang buntot sa dyosa ng mga kabebe na kaibigan ng kanyang ina.

"Salamat. Itong dala ko ay para sa salo-salo natin mamaya"sagot niya sa batang sirena na sinundan niya naman ng tanong.

"Teka, wala kabang pasok sa Lenox Academy?"

Umiling ang batang sirena.

"Opo! Everybody is busy for the celebration later"sabi ng batang sirena sa kanya.

Tumawa naman si Amara.

"Aba! Nakikinig ka talaga sa klase ah? That's good"

Ngumiti lang si Celerina.

Tinawag naman ito ng ibang batang engkanto ng karagatan. Pagkatapos magpaalam kay Amara ay mabilis itong lumangoy palayo.

Nagpatuloy naman sa paglangoy si Amara. Hanggang sa makarating sya sa lagusan patungo sa Pacific Kingdom. Falls ito sa ilalim ng dagat. Ewan nya kung paano iyon nangyari pero talking about Haring Lenox. He can do everything. He is the king of the sea. Kung siya ay may pilak na buntot ang kanilang hari ay may kulay ginto na buntot. Isa itong maharlikang engkanto. Isang diyos.

AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon