NAKAHARAP na sila ngayon sa isang madilim na bahagi ng karagatan. Makikita rin sa ibabaw ang bagyong muling pinakawalan. Ang ika-29 na bagyo. Isang bagyo nalang ang natitira. Ang bagyong bubura sa Pilipinas.
Pumasok sila sa loob ng malaking parang bula na barrier. Nag-anyong tao naman si Amara habang si Sebastian ay nagsimulang ilibot ang paningin sa paligid. Gaya ng Pacific Kingdom ang mahikang ginagamit. Sino kaya ang kanilang kalaban?
Madilim sa loob ng Lawod. May malaking itim na palasyo sa dulo. Marahil ay nandoon ang kanilang matinding kalaban. May maliliit na bahay naman silang nadadaanan. At hindi nila alam kung ano ang nakatira doon. Kinuha ni Amara ang kayang dalawang latigo habang si Sebastian naman ay kumuha ng dalawang baril. Maingat silang pinakaramdaman ang paligid.
SA PALASYO naman ay tumayo mula sa kanyang trono ang isang misteryosong lalaki. Ikinumpas nito ang dalawang kamay at nagsalita.
“Dumating na ang ating dalawang nakatakdang bisita. Mainit nyo silang salubungin.”
Pagkakuwan ay nag-ingay ang kanyang mga kampon sa palasyo. Nagsilabasan ito ng mabilis na para bang excited na pumatay sa sandaling iyon.
SI AMARA naman ay nakarinig ng kaluskos.
Marahil ay narinig din ito ng kanyang kasama kasi itinutok nito ang baril sa di kalayuan. May dalawa namang nilalang na lumabas mula sa dilim ang isa ay kahawig ni Amara at ang isa naman ay kahawig ni Sebastian.
“Tsk. Mga tambal”sabi ni Amara.
Ang mga tambal ay mga nilalang na nangagaya ng ibang anyo. Kumakain din ito ng tao.
Mabilis naman ang mga tambal na lumapit sa kanila. Ang tambal na kamukha ni Sebastian ay humarap kay Amara habang ang tambal na kamukha ni Amara ay humarap kay Sebastian.
Sinuntok ni Amara ang lalaki ngunit nakailag ito.
Tumingin ito sa kanya kaya napatda siya. Si Sebastian kasi ang nakikita niya. Nasuntok siya nito ng malakas sa mukha kaya siya tumilapon ng malayo. Lumapit naman ito sa kanya at sinakal siya. Sinubukan niyang tanggalin ang mga kamay nito ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito. Sa kabilang banda naman ay tinutukan ni Sebastian ng baril ang tambal na kamukha ni Amara. Nasa harap lang niya ito. Nakatayo at nakatitig sa kanya ang mga asul na mata nito. Babarilin niya sana ito ngunit napatda siya. May dumaloy kasing luha sa mga ito.
Naibaba niya ang baril. Hindi niya kayang saktan ito.
“A-Amara I--Argh”daing ni Sebastian ng sipain siya ng tambal ni Amara. Sinakal din siya nito.
Napatingin siya sa kabilang banda kay Amara na pilit tinutulak ang kamukha niya na nakasakal dito. Nabuo ang galit sa puso ni Sebastian. Galit sa nakikitang parang siya narin ang sumasakal sa dalaga. Kinontrol niya ang hangin at hinampas palayo ang nakadagan na tambal ni Amara. Tinakbo niya ang sariling tambal at hinatak ito mula kay Amara.
“Ako ang kalabanin mo”sabi ni Sebastian dito at sinuntok ito kaya napatilapon ito palayo. Habang si Amara naman ay tumayo upang harapin ang kanyang tambal. Sila naman ang nagtuos.
Nang muling tumayo ang tambal ni Sebastian ay inangat niya ito sa ere. Pagkatapos ay marahas na ibinagsak ito sa lupa. Maririnig ang magkadurog ng mga buto nito. Nilapitan naman ito ni Sebastian at pinagbabaril. Si Amara naman ay kasalukuyang hinahampas ang mukha ng kanyang tambal sa isang ugat ng puno hanggang sa mamatay ito. Pagkatapos ay lumapit siya kay Sebastian. May lumabas naman ulit sa dilim na ibang nilalang. May mga tikbalang, kapre, bampira, aswang, white lady at manananggal. Nag-effort talaga ang hari ng kadiliman upang dalhin ang mga nilalang na ito mula sa lupa.
Mahigpit na napahawak sa kanyang sariling latigo si Amara habang si Sebastian naman ay umangat sa ere.Unang sumulong ang mga tikbalang. Masisipa na sana si Amara ng isa nito ngunit naiangat siya ni Sebastian sa ere. Nahambalos naman ang nagtangkang sumipa sa kanya. Kaya sinakyan niya ang likod nito at kinuha ang gintong buhok nito. Inutusan niya itong mag-anyo ng tunay na kabayo na ginawa naman nito. Muli niyang binalikan ang ibang tikbalang at walang habas itong pinaghahampas ng latigo. Sa isang iglap naman ay naglaho ang mga ito sa kanyang harapan. Si Sebastian, ay pinalitan ng espada ang armas. Nasa himpapawid parin siya. Kaharap ang mga aswang na nag-anyong uwak at mga manananggal. Sabay-sabay na sumugod ng mga ito. Ang unang lumapit ay pinutol niya ang ulo, habang ang sumunod ay hiniwa niya ang katawan at ang nasa likod niya ay natusok niya. Gumawa naman siya ng ipo-ipo at pinatamaan ang ibang manananggal at aswang. At nang mapasok ang lahat sa ipo-ipo, kumuha siya sa kanyang bag ng lason at inihalo ito sa ipo-ipo. Hinayaan niya munang paikot-ikot ang ipo-ipo sa ere at bumaba upang lapitan si Amara na nakasakay ng kabayo. Napatingin sila sa isa’t isa bago tumingin sa mga sumunod na kalaban.
“Bampira nanaman?”nababagot na sabi ni Sebastian. Ngumisi lang si Amara.
“Kaya mo bang gumawa ng ulan?”
“Ahm. Kung may tubig pwede”sagot ni Sebastian na naguguluhan sa tinanong sa dalaga.
“May tubig akong dala”Kinuha ng dalaga ang isang galon ng tubig mula sa kanyang bag.
“Ano naman yan?”tanong ni Sebastian sa dalaga.
“Basta. Saluin mo nalang”ibinuhos ng dalaga ang tubig. Maagap naman itong sinalo ng hangin ni Sebastian. Inangat niya ito sa ere at tumingin sa dalaga na nakangisi pa.
“Ipaulan mo yan don sa mga bampirang yan. Gusto nila yan eh”sabi ng dalaga.
“Ano bang tubig to?”
“SALT WATER”nilakasan pa ni Amara ang boses upang marinig ng mga bampira. Ang mga bampira naman ay napatda sa narinig. Dahan-dahan ang mga ito na umatras. “GOOOO!!!!”
Marahas na ikinalat ni Sebastian sa paligid ang tubig alat. Unti-unti namang nalusaw ang mga bampira sa paligid.
“Ayan. Madali lang pala”sabi ng dalaga pagkakuwan ay napatingin sa mga nakakakilabot na mga white lady. “Ewwww.”
Kumuha naman si Sebastian ng parang bola sa kanyang bag.
“Ano yan? Poke ball? Totoo palang may Pokemon?”natatawa pa si Amara habang itinatanong ito sa binata.
“What?! This is a Spirit prison and not a damn Poke ball”binuksan naman ni Sebastian ang bola at may inusal siya na dasal. Hinigop naman ang mga white lady at pumapasok ito sa bola.
“Para ngang Poke Ball”komento ng dalaga.
“Stop playing around Amara.”nakakunot ang noo ni Sebastian. Nahighblood nanaman yata ang binata. Yan kasi, masyadong adik sa chocolates.
“Para nga kasi siyang Poke Ball”sabi ng dalaga. “Hindi mo ba alam ang Poke Ball?”
“Fuck! Alam ko yun. Napanood ko na yan nong bata pa ako”
“Para ngang Poke ball yang Spirit Prison mo”
“That thing is different. It has stupid colors”Sebastian.
“Pareho lang naman silang sumisip-sip ah?”Amara
“White Ladies are not fucking Pokemons, Amara” Sebastian.
“But they----“naputol ang sinasabi ni Amara ng may ugat na lumabas mula sa kanilang harapan.
Nahulog sa kabayo si Amara habang si Sebastian ay natamaan ng ugat at natilapon sa malayo.
Hindi palang nakakabalik sa lakas ang dalawa ngunit may pumulupot na sa kanilang mga ugat at inangat sila sa ere. Nanghihina pa sila habang nakaharap na ngayon sa isang lalaking pamilyar sa kanila.
“I-Ikaw?”tanong ni Amara dito.
Ngumisi lang ang mesteryosong lalaki.