Engkanto ng lupa, engkanto ng karagatan, engkanto ng alapaap at nilalang ng kadiliman. Hindi lang mga tao ang mga nanananahan sa mundo. At kung akala ng mga tao na unti-unti na kaming naglalaho. Pwes nagkakamali sila. Kailanman ay hindi kami nawala. Sa pag-usbong ng panibagong henerasyon ay natuto kaming makisabay. Ang iba saamin ay natutong makipaghalubilo sa tao. Hindi mo nga alam. Baka engkanto ang nakatabi mo sa bus, engkanto yung classmate or teacher mo, engkanto ang isa sa yung kasamahan sa trabaho, engkanto yung saleslady sa mall at kahit na yung nakasalubong mo sa paglalakad. Natuto kaming mamuhay, maghanapbuhay at makisama sa mga tao habang itinatago ang aming mga sekreto. Ang iba naman saaming mga engkanto ay mas piniling manirahan ng tahimik sa mga kabundukan. At ang iba naman ay mas piniling gumawa ng masama. Sila yung mga nilalang ng kadiliman. Nananakit sila ng tao at kahit kapwa mga engkanto.
Kaya ang diyosa ng oras na si Maria Illiya ay bumaba mula sa kabundukan ng Karin upang puksain ang kasamaan sa daigdig ng mga tao kasama ng anim sa kanyang pinagkakatiwalaang mga alagad ilang taon na ang nakakalipas. Bumuo sila ng samahan. Kasama ng tulong ng kanyang nag-iisang kapatid na si Lenox na syang tagapamahala ng karagatan. Sinugpo nila ang kasamaan. Di nagtagal ay bumuo sila ng paaralan. Paaralan ng mga engkanto. Upang magkaroon ng kaalaman ang bawat engkanto tungkol sa daigdig ng mga tao at ang iba’y upang maging hanas sila sa pakikipaglaban.
Ang Lenox Academy na pinamumunuan ni Lenox. Makikita ang Lenox Academy sa tagong isla ng Visayas. At hindi din ito basta-basta makikita ng mga tao dahil may invisible barrier na nakatakip sa Academy. Pagkatapos mag-aaral ng mga estudyante doon ay nagtatrabaho na sila sa mundo ng mga tao. Kapag may nasasagap silang balita tungkol sa mga masasamang engkanto ay pinapaalam nila ito sa Illiya Agency. Kung saan ang iba sa mga engkanto na hanas sa pakikipaglaban ay andoon. Sila ang pinapadala upang puksain ang kasamaan ng mga itim na engkanto sa bansa.
Di nagtagal ay nakapangasawa si Illiya. Isang tao.
Si Don Arthur. Nagkaroon sila ng anak. Si Sebastian. At dahil sa makapangyarihang diyosa ang ina ay naging makapangyarihan rin ito at namana ang kapangyarihan mula sa yumaong ama ng lolo nito bilang diyos ng hangin.
Sa kabilang dako naman. Sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan ay sinilang si Amara. Anak ng manghuhula na sirena at ng isang tao. Si Amara ay mas piniling maging mandirigma. Nagtatrabaho sya sa Illiya Agency at dahil sa sunod-sunod na tagumpay sa mga mission ay naging in demand sya. Kaya ng magkaroon ng malaking problema sa mundo ng tao at engkanto ay sya agad ang tinawag ngunit sa panahong ito may kasama sya. At walang iba kundi si Sebastian.Magtagumpay kaya sila sa misyon? O ikakatanda ng maaga ni Amara ang kapilyuhan ni Sebastian? Mapipigil kaya ni Sebastian ang mahulog sa mahiwagang alindog ng mandirigmang sirena?
Abangan…