Chapter 8: Talon ng Kironadali

1.4K 68 2
                                    

"Stop it Amara"suway ni Sebastian sa dalaga na kahit lumilipad na sila patungong Kironadali ay panay ang paghahalungkat sa bag nito.

Hawak na ngayon ni Sebastian ang dalaga kasi hindi ito nakapukos sa kanilang paglalakbay. Baka mabangga pa ito sa mga puno o mga ibon na kanilang dinadaanan.

Tumigil naman ang dalaga sa paghahalungkat sa bag at tinignan si Sebastian na nakakunot nanaman ang noo. Nginitian niya ito at kinausap.

"Ang gwapo ni Winston noh?"tanong ng dalaga na ikinainis naman lalo ni Sebastian.

"Tsk! I am more handsome than him"sagot nito sa dalaga.

Tumawa naman ang dalaga sa inasal ng binata. Para kasi itong bata. Pero mas gwapo naman talaga si Sebastian sa mga mata niya kasya kay Winston. Walang makakatalo sa intimidating dark eyes ni Sebastian. Iba kasi ang mga mata nito sa lahat ng mga engkantong nakilala ni Amara.

"A-ang ibig kong sabihin ay syempre mas gwapo ako doon kasi engkanto ako. Siya ay tao lang na may alam sa spells and magic"paliwanag ng binata. Tumango naman ang dalaga. Napakamot naman sa ulo si Sebastian. What was he doing?

"Wag kang mag-alala. Mas gwapo ka don"honest na sabi ng dalaga na ikinatuwa naman ng puso ni Sebastian.

Damn this mermaid. Hindi ba niya alam na palihim nitong kinikiliti ang puso ng binata sa tuwing nagsasalita ito ng kung ano-ano? It makes him blush like a teenage boy!

"Ahm total. Malayo pa naman tayo sa Talon ng Kironadali. Mag-usap-usap muna tayo"panimula naman ng dalaga.

Sebastian likes the idea.

"What about?"tanong ng binata dito habang kumakain ng chocolate.

"What's your full name? Tapos yung edad mo"tanong ng dalaga dito na nakihinge rin ng chocolate. Hindi naman masisira ang ngipin nilang mga engkanto. Hihi. "Tapos ahm...Ano ang palayaw mo?"

"I am Sebastian Paul Asuncion, 28 years old. Sebastian lang ang tawag nila saakin"sagot nito sa dalaga. "How about you?"

"Amara dela Cruz, 27 years old. Tinatawag nila akong Amara lang"sabi rin ng dalaga dito.

"Ahm. Favorite food?"tanong ni Sebastian.

"Alimango from Japan"sabi ng dalaga. "Ikaw?"

"Chocolates"sabi ng binata.

"Halata naman eh. Mukhang isang sako ng choclates yang nasa bag mo"

"Gusto ko talaga ng chocolates"sabi ng binata.

"Mmmm. Anong pinagkakaabalahan mo sa lupa?"tanong ni Amara dito.

"Nagmamay-ari ako ng resorts, airlines, hotels and bars. Sometimes tumutulong ako kay Daddy sa pagpapatakbo sa Hacienda Ascuncion"sagot ng binata.
"Pag may free time naman ako, nagbabar kami ni Winston at Aiden. Minsan naman ay nakikipagbonding ako kina Mommy. "

Tumango naman ang dalaga. Bukod sa kagwapuhan ng binata ay ang yaman din pala nito. May mga kaibigan din ito kahit na may pagkamasungit at mabait itong anak.

"Ikaw Amara? Anong pinagkakaabalahan mo sa lupa-aw sa tubig?"

Tumawa naman si Amara kay Sebastian dahil hindi ito sigurado sa tanong.

"Mmmm. Pag andito ako sa lupa. Sumasama ako kay tatay na manggamot o makipaglaban sa mga maligno, minsan rin lumalabas kaming buong pamilya at tsaka kapag andito ako sa lupa. Busy ako sa mga misyon sa agency."unang sabi ng dalaga.

Na nagpahanga naman sa binata. Nasa dugo pala ng babae ang pagiging mandirigma nito.

"Kapag nasa Pacific Kingdom naman ako. Lumalangoy kami ni Keon at Jellea na magkasama sa labas at kapag nasa loob naman kami ng lagusan, tumatambay lang sila sa bahay ko at nagluluto kami doon at nagkakasiyahan"

"Ang saya naman pala ng buhay mo"komento ni Sebastian sa dalaga.

Kasi napakasaya nito habang kinukwento ang mga pinagkakaabalahan.

Nalungkot naman bigla si Amara na ikinaalarma naman si Sebastian.

"Bakit? May nasabi ba akong mali?"kinakabahang tanong ng binata dito. He doesn't want her to be upset.

Umiling lamang ang dalaga dito.

"Nalulungkot lang talaga ako kapag alam kong makikipaglaban ako. I might look tough and just chill pero iniisip ko ang mga mahal ko sa buhay na maiiwan ko kapag may nangyaring masama sakin"

"Eh bakit mo naman pinili ang buhay na ito, yung pagiging mandirigma? Kung takot ka naman palang mamatay?"

"Kasi ito yung gusto ko. Ayaw kong umupo nalamang at pagmasdan ang daigdig na sinisira at nilalapastangan ng mga itim na nilalang nayan. Kaya kong ibuwis ang buhay ko, kagaya ng diyos na si Argadeo. Na namatay para sa kaligtasan ng nakakarami"nagbago bigla ang ekspresyon ng dalaga.

Kung kanina ay napakalungkot ito, ngayon ay galit na galit na.

Napatawa nalamang si Sebastian sa papalit-palit ng reaksyon ng dalaga. Ang cute cute kasi nito kahit parang baliw.

"Nag-iinit talaga ang dugo ko"

Si Amara naman ay nakatingin sa binata na panay ang tawa dahil sa kabaliwan niya. Napakagwapo naman kasi nitong ngumiti. Parang nahuhulog siya.

Wait? Anong nahuhulog? Mahuhulog sa alin?

Mahulog ang loob, Amara.

Pumasok iyon as isip ni Amara.

Napaisip si Amara. Ano ngaba ang nararamdaman niya?

"May girlfriend ka naba?"bulalas bigla ni Amara na kahit sa sarili ay ikinagulat rin niya. "Ay! Tanga ka talaga Amara!"kinausap pa nito ang sarili habang sinasabunutan ang sariling buhok.

Mas lalong tumawa si Sebastian. Nahiya naman si Amara sa sarili kasi nawawala na yung mata ni Sebastian sa kakatawa. Kaya yumuko nalamang si Amara sa kahihiyan narinig lang naman ni Sebastian ang kabaliwan niya.

"Hey! Don't be shy. Okay lang naman yung tanong mo eh. Nagulat lang talaga ako"sabi ni Sebastian dito.

"Nagulat? Eh kung tumawa ka diyan. Hindi na halos makita yang mga mata mo! Pati gilagid mo nakikita na! Wow! Ganyan ka pala magulat?"pagmamataray nito kay Sebastian. Mas mabuti ng tarayan nya ito kesho yumuko na lamang siya sa kahihiyan.

"Hey! Are you mad?"tanong nito sa kanya habang nakahawak sa balikat niya. Napakislot naman si Amara dahil nakaramdam siya ng kuryente.

Damn. Diyos ngalang ba ng hangin si Sebastian? Bakit nakuryente siya sa haplos nayun?

"Ano sa tingin mo? Gago ka!"singhal niya naman dito.

"Amara, wala akong girlfriend"seryosong sabi ng binata. Inirapan lang siya ni Amara.

Tumambol ng malakas ang pusong dalaga. Bakit paba kasi naisipang sabihin iyon ng binata?

"Pakialam ko?! Cheh!"tapos ay tumingin sa ibang direksyon si Amara.

At napangiti sa ideyang walang minamahal ngayon ang binata.

Patay ka, Amara. Mukhang matindi ang pagkakahulog mo.

AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon