Epilogue

145 7 4
                                    

Lahat ay napapalingon sa naglalakad na dalagang si Semara. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa isang sikat na model and designer?

She’s Maria Semara Ascuncion. 28 years old. Anak ng isang business tycoon and god of the wind na si Sebastian Ascuncion at Amara dela Vera-Ascuncion, sirena and owner ng Illiya Agency. At kapatid pa siya ng CEO ng Asuncion Airlines na si King Arseb. Ibinigay kasi ng Papa nila kay King ang pamamahala sa Airlines. While her, Semara, chooses a path for her own. She wanted to be a model and a designer.

Alam din niya na isa siyang dyosa. Diyosa ng talon ng Kironadali at diyosa ng halaman, kaya din niyang lumipad at maging sirena. Ngunit nakaya niya namang pagsabayin ang kanyang tungkulin bilang diyosa at ang kanyang career. Papunta siya ngayon sa isang catwalk sa Manila. Galing siya sa Talon ng Kironadali, dahil may gustong humingi ng bato mula doon. At pagkatapos ng kanyang catwalk ay pupunta siya sa Bulacan, may bundok kasi na nakalbo doon. 

Napapadyak siya ng makitang umuulan sa labas. Paano siya lilipad patungong Manila kung umuulan? Mababasa siya. Kaya mas minabuti niya na lamang na tawagan ang kapatid. Dinial niya ang number ng kapatid habang kumakain ng chocolates. Gumagaan ang pakiramdam niya kapag kumakain ng chocolates.

KASALUKUYAN namang nasa airport si King nang tumawag ang kanyang ate. Sinagot niya naman agad.

“Yes, ate”

“Baby Seb”naglalambing nanaman ang boses nito. Kung ang ibang tao ay King ang tawag sa kanya, ang kanyang ate ay mas piniling tawagin siyang Baby Seb. Binibaby parin siya ng Ate niya kahit ang tanda-tanda na nila.

“What do you need, ate?”tanong niya rito. na may mahinahong boses.

Hindi niya kayang sungitan ang kanyang Ate. Kasi bata palang sila ay inaalagaan na siya nito at hanggang ngayong malaki na sila.  Mahal na mahal siya ng kanyang ate kaya mahal na mahal din niya ito.

“Eh kasi umuulan, Baby Seb. Since you’re the god of the weather. Pwede bang patilain mo muna ang ulan? May pupuntahan kasi akong catwalk sa Manila eh. Promise.”sabi nito na nagpailing kay King. Okay lang naman kung patilain niya ang ulan kasi kanina pa naman umuulan sa parting iyon ng Carmen.

“Alright ate”tumingala sa langit si King at inutusan ang langit na tumahan na sa pag-iyak. “Done”

“OMG! Thank you Baby Seb. Alis na si Ate. See you later sa bahay. I love you”

“I love you too, Ate”tapos ay pinatay na niya ang tawag.

“Sir?”lumapit sa kanya ang kanyang secretary na si Evelyn. Evelyn is an old maiden na 40 years old.

Mas strikto pa to kesho sa kanya.

“Yes?”sagot niya dito.

“Miss Amanda is looking for you”sabi nito sa kanya.

“Where is she?”tanong niya sa secretary.

“Nasa office nyo po dito”tumango si King sa sinabi ng sekretarya. Pumuta naman agad siya sa kanyang office dito sa airport.

Lahat ng kanyang pagmamay-aring airports ay may sariling opisina siya.

Pagpasok niya sa opisina ay naabutan niya ang kanyang bestfriend na si Amanda. Bunsong anak and the only daughter ng kanyang Ninong Winston at Ninang Jellea. She’s a witch and a half jellyfish. Maganda ito at kulay gray ang buhok.

“Arseeeeb pare!”bati nito sa kanya habang prente itong nakaupo sa kanyang swivel chair.

“Siraulo”sabi niya dito habang tinatanggal niya ang coat na suot. Umupo naman siya sa sofa.

AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon