Chapter 3: Afraid to fly

1.8K 76 9
                                    

Pagkatapos ni Amara na mahimasmasan sa pinakagwapong engkantong nakita nya sa tanang buhay nya ay ito na silang dalawa at kumukuha ng mga gamit sa locker.

At matapos ang ilang instructions mula kay Madam Illiya ay lumabas na sila sa opisina nito. Sisimulan na daw nila ang misyon as soon as possible dahil iniwan lang daw nito ang business isang kaibigan.

Ngayon ay nasa ika 21 na ang bagyo. Tsaka lang kasi napansin ni Madam Illiya na may threat sa bansa dahil lumagpas sa 21 ang bagyo. Nasabi sa kanya ng nanay ni Amara na manghuhula. Tungkol sa propeseya about sa trahedya na dulot ng 30 na bagyo.

Tumingin naman siya sa kasamang lalaki. Wala naman yatang naibanggit sa kanya si Keon na may napakagwapo syang pinsan?

Argghh! Magtigil ka, Amara! Wag kang magpadala sa engkantong katabi mo ngayon. Just play cool. Andito ka para sa mission at hindi para kumerengkeng. Kausap nanaman nya sa sarili.

"So saan tayo pupunta ngayon?"tanong sa kanya ni Sebastian na nakasuot na ng black sweater na hapit sa matipunong katawan nito. Piniko naman nito hanggang siko. Pinaresan ito ng brown na pantalon tapos nagboots ito ng itim. May dala rin itong brown na sling bag na hindi alam ni Amara kung ano ang laman.

Bakit ba ganun ang lalaki? His too perfect!

"Done checking me out?"then he smirked. Damn! Nahuli pa syang pinapagpapantasyahan ang lalaki.

"H-Hindi ah! Akala nito kung sinong gwapo"inirapan ito ni Amara at nagmadaling isinuot ang kanyang boots.

Nakasuot naman si Amara ng Sweater pero puti, tinupi nya rin hanggang siko at pinaresan ng black na shorts. Sinukbit nya naman sa balikat ang kanyang bagpack na ang laman ay mga armas.

Hindi na siya nagdala pa ng maraming damit. Dalawang pares lang dala niya. Hindi lang nya alam kay Sebastian dahil maliit ang sling bag nito.

"Punta muna tayo saamin. Manghuhula ang nanay ko. Baka may maitutulog sya saatin"sabi niya kay Sebastian at nagpatiuna na sana siya sa paglalakad palabas ng Agency ngunit pinigilan siya ni Sebastian sa pamamagitan ng paghawak nito sa siko. Para syang nakuryente. Shit! Natutulala nanaman siya!

"Lumipad nalang kaya tayo? I'm tired of driving lalo na pag na sa misyon"sabi nito sa natutulalang dalaga. "At matagal-tagal narin simula nong nakalipad ako. I was too busy at my company"

Namutla naman si Amara bigla nang mapagtanto kung ano ang sinabi ni Sebastian. No! Hindi pwede. Takot siyang lumipad.

"Ah? Ikaw nalang kaya ang mauna sa bahay namin? Gagamitin ko ang sasakyan ng agency"palusot niya dito.

"I don't know where to go mermaid. Let's just fly and it will be easy for us to reach there"ma-awtoridad na saad nito tapos kinabig si Amara palapit dito.

Nakayakap ito sa kanya gamit ang isang braso nito. Parang nawalan ng hininga si Amara sa kapangahasan ng engkantado na ngayon palamang nya nakilala.

May dinukot naman si Sebastian sa kanyang bag at ipinaligo sa kanilang dalawa ang invisible mist. Hindi nya alintana ang panginginig ng dalagang nasa bisig nya. Pagkatapos ay umangat na sila sa ere ng mabilis.

"AHHHHHHHHH!!!!!"tili ni Amara ng mabilis silang umangat at makarating sa himpapawid.

Sinubukan niyang ibuka ang kanyang mga mata ngunit ipinikit niya nalang ulit. Napakataas na nila. Buhat siya ni Sebastian na pangbridal style. Tahimik lang ito at busy sa pagtingin sa ibaba. Habang si Amara ay mariin na nakapikit at naluluha. Ayaw niya talagang lumipad. At ang ideya na walang pakpak si Sebastian ngunit nakakalipad ay mas ikinatakot ng dalaga. Pakiramdam nya'y para silang binibitay.

AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon