CHAPTER 3

842 37 6
                                    

Chapter 3

YAEL

"WHOAAA!" Halos sabay sabay naming sigaw ng mapanood namin kung paano bugbugin ni Kwon ang kalaban niya.

"Galing ko diba?" Proud na tanong ni Iñigo na siyang kumuha ng video.

"Yung lumalaban ang tinutukoy namin, Iñigo. Kaya shut up ka!" Pambara ko na ikinanguso niya na ikinatawa ko na lang.

Pagkalipas ng ilang minuto sa panood ng laban ay umalis na ako sa kumpulan at lumapit kay Kwon na nakatingin sa labas.

Inakbayan ko siya ng may ngisi sa labi. "Pustahan yun no?"

"Tsk. Hindi." Simple niyang sagot.

"Eh ano?"

"Napaaway lang. Yabang kasi." Inis niyang sabi na ikinatawa ko na lang. "Tapos malalaman ko lang na utos pala yun mula sa isang Star Section."

Duon nawala ang tawa ko. "Anong sabi mo?" Kunot na kunot ang noo ko.

Talagang naghahanap ng away ang mga tarantadong yun ah! Paking tape lang ha!

"Malamang inisulto na naman tayo." Iritable niyang sagot na mas lalong ikinasama ng timpla ko.

Bwiset talaga! Pesteng yawa ang mga yun eh!

"Wala naman tayong ginagawa sa kanila ah!" Kuyom ang kamao ko sa sobrang pagtitimpi.

"Parang hindi naman na kayo sanay." Isang malamig na boses iyon mula sa likod.

Hindi na kailangan lingunin dahil boses palang pamilyar na. It's Eunice.

Mabilis ko siyang hinarap mula sa likod ko. "Kahit na! Hindi man lang tayo-"

"Kung respeto ang sasabihin mo pwes wala iyon sa bokabularyo nila." Sabat naman ng katabi niyang si Calie sabay ismid.

Napatikom naman ako dun. She have a point.

"Haist! Hagard na ang face ko sa mga Bituin na yan!" Maarteng bulalas naman ni Zalora.

"Yah, there are just so...urgh! Yabang!" Rina said with matching rolling eyes.

Napapailing ako. Mga kaartehan talaga ng duo na to.

Sa kabilang banda ng classroom ay nagkakasiyahan habang kami naman dito sa pwesto namin ay halos isumpa na namin ang buong Star Section. Bwish-t naman kasi!

Halos mapaigtad na lang kaming lahat ng pabalibag na bumukas ang pinto sa likod ng classroom. Niluwa nun ang galit na galit na mukha ng isang...

Gelo Rover.

Napalunok na lang ako. Paniguradong nakita na niya yung video. Paktay!

Hinanap nito sa Kwon na kusang tumayo na nakaagaw ng pansin niya. His cold eyes make us shiver. He's aura is really dark. Darker. Darkest. Haist! Basta ganun!

"Boys." Tawag niya sa lahat ng lalaki dito sa classroom saka umalis.

Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay sabay na napahinga ng malalim bago sumunod sa kanya. We even saw the girls giving us a worried look but we just smiled at them.

"What happened Kwon?" Tanong nito at humarap samin gamit ang galit na mukha. Nangunguna na kay Kwon na deretso parin ang tingin sa kanya. "Iñigo? Why on earth the link spread the whole campus?"

Napayuko si Iñigo at umiling na ikinanuot ng noo ni Gelo sa galit.

"What?! Walang magsasalita?! F-ck! Madadamay ang lahat lalo na kayong dalawa sa pinagagawa niyo! We already talk about this, isn't it? Na kapag tinambangan man tayo umiwas na lang. Paano kung makatanggap na naman tayo ng notice sa principal, huh."

Code Black: Section X (Section Family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon