CHAPTER 13

703 26 17
                                    

Chapter 13

ENTON

Pasikreto akong lumunok dahil sa pakiramdam na natutunaw na ako. Pasimple ko pang pinunasan ang tagaktak kong pawis sa noo habang nagbabasa ng notes ko.

Hooh! Kalma, Enton. Magsasawa rin yan- pero malabo naman yang mangyari. Eh sa kalahating oras na niya akong pinagmamasdan!

"Fourteen years old ka ba talaga?" Tanong ni Hailey.

"Hmm-hmm... turning fifteen na." Sagot ko na tutok parin ang mata sa binabasa.

"Parang hindi."

I shrugged. Maraming beses ko na yan narinig. "Sabi nila na baka daw mana ako sa tatay ko kaya ganun."

Napatabingi naman ang labi niya. "Ano yun? Katangkad mo na ang two years old nung nasa tiyan ka ng nanay mo?"

Gamit ang notebook ko ay mahina ko siyang binatukan.

"Dami mong alam."

She tap her own shoulder. "I know right! Aray naman!"

Nakatanggap ulit siya ng batok mula sakin. Dami talagang alam ng babaeng to, pero masaya naman kasama.

MHALIA

"Recess!" Sigaw ko pagkatapos kong magdiscuss. I can tell that they improvemed when it comes to listening.

Abala ako sa pag-aayos ng gamit nang may nag-abot sakin ng isang garapon ng Stick-O. Only to find out that it's Kwon. "Stick-O for....you?" Then he broke a smile.

I chuckled a bit and accept it. "Hindi parin tayo bati."

"How about a a milk?" At inabutan ako ng isang pack ng bear brand yung naiinom na.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinusuhulan mo ba ko?"

Ngumisi siya. "Ganun na pala ang tawag sa nakikipagbati?"

"Tsk." Yun na lang ang nasabi ko at umirap at kinuha ang gatas.

"Let's eat!" Masiglang sigaw ni Logan.

Umawang na lang ang labi ko sa gulat ng naglabas sila ng kanya kanyang garapon ng Stick-O at gatas. May tumbler pa ang iba.

"Seriously?" Kwon just shrugged and go back to his sit and also pulled out a Stick-O and a milk.

Napangiti na lang ako sa mga inasta nila. Binuksan ko ang garapon, kumuha ng isang Stick-O at akmang kakagat na ng biglang sumigaw si Kiero.

Pairap akong tumingin sa kanya. Babalatan ko to ng buhay.

"Formation!" Sigaw din ni Ross.

Napataas kilay ko ng nagform sila ng pabilog gamit ang mga upuan nila. They tap a space for me.

"Sige na, Ms. IQ." Kumbinsi nila sakin.

Humingi muna ako ng malalim at walang salitang umupo sa tabi ni Yael.

Tumayo si Finn ng may kakaibang ngiti. May hawak itong isang Stick-O. "Let's play, para hindi naman boring, hmm?"

"Baka kalokohan na naman yan ha?" Isa sa mga kaklase namin ang nagsalita na mas lalong lumapad ang ngiti ni Finn.

"Hindi maganda to."
"Oh-uh."
"Loko talaga to."

"Ganito." Itinaas niya ang Stick-O. "Place the Stick-O between your lips tapos iharap niyo sa katabi niyo, parang ganito."

He demonstrate what he said. Finn place the Stick-O between his lips na parang naninigarilyo. Ihinarap niya ito sa katabi niyang si Wayne.

"Isang beses lang kayong kumagat tapos kunin niyo ang Stick-O gamit parin ang labi nito." Wayne instructed and take a bite in the Stick-O, get it with his lips and do what Finn instructed.

Code Black: Section X (Section Family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon