Chapter 21
CALIE
Dahil sa nag-walwal pa ang iba ay nagabihan ako. Pasalamat na lang at pinahatid ako ni Zenio.
May ngiti pa ako sa labi ng pumasok sa bahay, pero nawala lang iyon ng maabutan ko ang step father ko sa salas na komportableng naka-upo sa sofa.
"G-Good evening po." Mahinang bati ko.
Hindi man lang bumati pabalik kaya pasikreto akong umirap. Tsk. Feeling boss sa pamamahay. Nakakainis.
Aakyat na sana ako sa taas ng pabalang na nagbukas ang pinto sa likod ko at sakto naman nun ang paglabas ni mama mula sa kusina. Nanlalaking mata kong liningon si Kuya Kent. I'm Calie Valdemor and this is my step brother, Kent Valdemor.
Agad ako nitong sinamaan ng tingin kaya napalunok ako.
"Oh my gosh, Kent!" Bulalas ni mama na agad nakakuha ng atensyon ng step father ko na si Tito Rino.
"What happened to your face, Nak?"
Nag-iwas ako ng tingin ng maramdamang naluluha na naman ako sa nakikita. Napangiti na lang ako ng mapait at agad pinunasan ang nagbabadyang luha ko saka binalik ang tingin sa kanilang tatlo.
My own mother is more worried to her step son that to her real daughter. Mas proud siyang maging step mom kesa maging nanay ko. Oo nga naman, sinong gustong maging anak ang isang katulad kong pinabagsak lang, at mas lalo pang lumayo ang loob nito sakin ng lumabas ang isang pekeng scandal.
Sobra nila akong kinahihiya sa isang bagay na hindi ko naman ginawa at never kong gagawin.
"A-Akyat na p-po ako..." Utal kong sabi.
Kahit na isang sulyap ay wala akong natanggap. Kaya naman ay nakayuko akong pumasok sa kwarto ko.
Marahas kong iniling na lang lahat ng mga negatibo iniisip ko tungkol sa pamilya ko. May kailangan pa kaming puntahan ng buong section.
Bumalik nga ang ngiti ko ng maalala ko sila kaya mabilis ang naging kilos ko at nag-impake ng iilang gamit saka nag-shower. Bumalik ang excitement ko. Nagsulat din ako ng maikling letter na sa bahay muna kami ng classmate ako titira. Alam naman to ni manang.
Lumabas ako ng kwarto ko at dahan-dahang bumaba. Paniguradong tulog na sila.
Pero yun ang akala ko.
Dahil sa baba ay nag-aabang si Kuya Kent. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pader. Yung malapit pa man din sa pintuan. Napayuko naman ako.
Sheez, sisitahin na naman ako nito.
I'm just about to twist the door knob when he harshly grab my wrist and force me to face him.
"And we're do you think your going?"
Pilit kong binabawi ang kamay ko pero mas lalo lang humihigpit ang hawak niya. "Ano ba?! Bitaw! Urgh!"
"I'm asking you!"
"Wala kang pake!"
I successfully free my wrist from his tight grip and turn my back to him. Pero muli na naman niya akong pinaharap sa kanya na ikinainis ko ng sobra.
"What the f-"
"Huwag na huwag mo akong tatalikuran."
I just smirk at him. "Huwag na huwag mo akong papakealaman."
Saka ako tuluyang nakaalis sa toxic na bahay na yun.
I'm not going to call that as home. Cause it'll never be. My home is Code Black, period.
BINABASA MO ANG
Code Black: Section X (Section Family)
Teen FictionHow can a Ms. IQ handle Section X? SEASON 1