CHAPTER 14

652 21 30
                                    

Dedicated to sinabikonasayo

Chapter 14

LAURICE

"Ingat!" Malakas kong sigaw sa papalayong sasakyan ni Rina. Hinatid niya kasi ako dito samin para iwas tukso sa daan.

Bumusina lamang sila bilang sagot saka ako pumasok samin.

"Ma! Andito na po ako!" Pagpapaalam ko kay Mama habang tinatanggal ang sapatos ko at nagsuot ng panloob na tsinelas.

"Laurice, anak." Nakangiting salubong sakin ni mama. "Musta na, Nak? Ayos ba ang pag-aaral mo?"

Inasikaso niya ako pero agad ko siyang pinigilan at yinakap siya. "Okay lang ako, ma. Ayos lang ang lahat." Nakangiti kong sabi at humiwalay sa yakap niya. Muntikan ng mawala ang ngiti ko sa nakikita.

I sighed. "Ma, anong trabaho na naman po ang pinasukan niyo at mas lalo kayong umitim?"

"Laurice-"

"Ma, naman!" Maktol ko na naiiyak na. "Pinayagan ko po kayong magtrabaho kahit na tutol sakin yun. Pero ma naman eh. Yung trabaho naman pong hindi kailangan magbabad sa araw! Yung kaya niyo lang po! Ma, please naman oh!"

Marahan niya akong yinakap at pinatahan. "Nak, kaya ko, okay? Malakas si mama." Bahagyang pumiyok ang boses niya.

Sa sinabi niya ay mas lalo akong napahagulgol.

The truth is, maputi naman talaga ang mama ko. Maganda siya at kutis mayaman. Pero nung nalaman niya at nakita niya mismo kung paano ako kutsain ng iba naming kapitbahay ay sinadya niyang magpaitim sa pamamagitan ng pagta-trabaho na babad sa araw.

Ayaw ko eh! Tutol ako. I suggested her to stay here cause I can be a working student. But she keep on insisting.

"M-Ma, huwag ng m-matigas ang ulo. Sabi ko naman pong kaya kong m-maging working student eh." Suminghot singhot ako ng humiwalay siya ng yakap sakin.

Malambing siyang ngumiti at pinunasan ang luha ko. "Matigas naman ang ulo natin ah." Saka niya pinitik pitik ang ulo ko.

"Ma!" Nagpapadyak ako sa sahig.

"Hahaha! Ayos lang, nak. Pagbutihin mo na lang ang pag-aaral mo." Marahan akong tumango

Pangako ko yan, ma. Hindi ko siya bibiguin dahil ito na lang ang mai-reregalo ko sa kanya.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising at as usual yung mga routines ko. Sinusundo rin kasi ako ni Rina. Nakakahiya nga pero wala akong magawa. Matigas din ulo eh.

Pagkarating namin sa school ay locker na agad ang deretso ko. Maniwala kayo o hindi, hindi namin nila-lock ang pinto ng classroom. Wala namang mananakaw eh.

Pagkabukas ko ng locker ko ay isang hindi magandang surpresa ang bumungad sakin.

"Laurice! Lika, sa garden muna tayo?"

Para akong nanginginig sa nakikita ko. H-Hindi ko alam pero bumalik na naman yung araw na sinabi nila sakin yun.

"Die, Laurice!"
"You are nothing!"
"You're not my grandchild!"

"Laurice!"

Bigla ko na lang naisara ang locker ko at sumandal duon. Pilit akong ngumiti kay Jahnina, Thea at Rina na may pagtataka sa kanilang mata.

"Okay ka lang ba?" Nag-aakalang taning ni Thea at hinawakan ang nanginginig kong kamay na agad kong binawi na siyang ikinagulat nila g tatlo.

"O-Okay lang ako." Pagsisinungaling ko.

Code Black: Section X (Section Family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon