CHAPTER 2

6.3K 275 0
                                    


STILL HER POV

" Who are you?"

Ang katanungan na yan ang sabay sabay na nakapag pasinghap sa lahat at nakapagpaangat ng ulo ng mga ka tulong na kanina pa nakayuko.

Ay, big word ba yung 'Who are you?'

"Anak? Ano bang—" - I cut the lady

" Hindi ko ho kayo kilala, nasaan ho ba ako? Who are you people?"- although I have a guess that they are this girls family, well it won't hurt to be sure

Isa pa, if I will analyze the situation, this girl had an accident causing her to hurt her head so it wont be suspicious if she lost her memory.

Hindi makapaniwalang nakatingin ang mga ito sa akin,eh bahala sila dyan ako nga di makapaniwala na nasa loob ng ibang katawan ang kaluluwa ko eh

"Call some healer" - matigas na utos ng ama nila

"Opo mahal na Hari" - magalang na saad nung mga katulong. Ang taray Hari daw

Nanatiling kaming nakatayo ng ilang hakbang ang pagitan habang nilalamon ng katahimikan ang silid na aming kinaroroonan

Hindi ko alam kung nasa ibang bansa lang ba ako o nasa ibang mundo na ako, pero sumasakit talaga ang ulo ko sa mga kaganapan as in feeling ko mapuputulan ako ng ugat dahil dito, napahawak na lang ako sa batok ko dahil nai-stress talaga ako

"Anak, are you okay?" - nag aalalang tanong nung magandang babae

"A-ayos lang ho, medyo naguguluhan lang"- walang kaemo-emosyon kong saad dito

Nang oras rin yun ay dumating ang isang may katandaang lalaki - - mukang yung healer na pinatawag nung mag asawa, di pa ba doctor ang tawag sakanila? Healer? Ang luma.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan ang paglapit nung Healer, basta ang huling natatandaan ko ay may naramdaman akong may tumapik sa noo ko at na blangko ang isip ko and then I have no idea what happen next.

~~~~~~~~~~~

Nagising ako dahil sa pag tama ng sinag ng araw sa muka ko, minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mataas na kisame, nanatili akong naka higa at naka titig lang dito

I'm still here, anak ng tupa!

Bumalikwas ako ng bangon at parang baliw na nagdabog dahilan para mahulog ang kumot ko sa sahig, nakaka-inis, patay na ako diba? Dapat patay na ako!

Kunot noo akong tumingin sa pinto dahil sa biglaang pagbukas nun.

"Mahal na Prinsesa, magandang umaga—"

"Don't you know how to knock?"- medyo inis kong saad na ikinatigil nito.

"Pasensya na ho, h-hindi na ho mauulit"- takot na saad nito habang nakayuko, napangiwi na lang ako, ibaling daw ba sa iba yung inis amp!

"Handa na ho ang umagahan ninyo, hinihintay na rin ho kayo ng iyong mga magulang" - I remember her, isa sya sa mga katulong na nandito kahapon.

"Mahal na Prinsesa?" - huminga muna ako ng malalim bago bumangon

I guess I have no other choice but to accept where I am right now, to accept this situation, but should I be glad with this chance?

I chuckle, is this what they're saying 'next life'? Deserve ba yun ng isang taong katulad ko? Argh!

Well, for now pag aaralan ko muna ang lugar na 'to, I need to at least learn the basic to survive here.

Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko at naka yuko, hindi ba nangangawit ang ulo niya? Kanina pa sya dyan

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon