CHAPTER 34

2.2K 108 1
                                    

CAELUS POV

Tomorrow is the day that we've been waiting for, all of us are nervous but at the same time, excited

Walang curfew ngayon kaya kahit malalim na ang gabi ay marami paring mga estudyante sa labas, like us, nasa gilid kami ng field na naging tambayan namin nitong mga naka raang araw

Wala ang nga babae ngayon dahil nasa Photo booth sila, bibinyagan na daw nila

"Alam mo bro, kung nag seselos ka sabihin mo ---awww"- napa iling na lang ako, minsan di ko alam kung maaawa ba ako sa lalaking to o ano eh, lagi na lang nababanatan, well dahil rin naman sa ugali nya yan kaya hayaan na

"Pero bakit nga di mo pinapansin si Aria?"- tanong ni Raiden kay Dracyian

"Nothing"- nag katinginan kami

Naninibago kami sa kaibigan namin nato, yes he's the definition of man of a few words pero hindi lang naman salita ang pwedeng maka pag saad ng nararamdaman ng isang tao, mainsan mas malakas pa nga ang boses ng kilos depende na lang sa taong makakakita

At base sa nakikita at napapansin namin, mukang tinamaan na ang isang to, pero ang pinag tataka ko eh paano? Wala pa ngang isang buwan naming kilala si Ariadne -- well we know her since we're young but only her name, kailan lang namin sya nakilala talaga ng personal

May hindi talaga sinasabi ang isang to eh, I know time doesn't matter when it comes to love but Dracyian? This guy is not the type of guy who will fall at first sight

"Dude, Umamin ka na kasi, nag seselos ka kay Terrence"- after Aeolus said that ay tumayo ito sa kinauupuan nya at lumipat sa pinaka dulo, alam nyang tatamaan sya eh

"Pansin ko rin eh, simula ng mag pakita yang si Terrence bigla mo na lang hindi pinasin si Aria, hindi naman kayo nag away diba?"- dagdag pa ni Raiden

"Umamin ka na Dude baka mamaya kung ano na naman ang pumasok sa isip ni Aria HAHAHHA pag kamalan ka pa nun na may gusto ka kay Terrence"- natawa kaming tatlo dahil bumalik na naman yung scene nilang lima nila Jian

"Di malabong mangyare"- saad ko at tumingin kay Dracyian, he looks calm pero alam ko sa loob loob nyan ay gusto na nya kaming batukan isa isa

"So ano nga bro?"- muling tanong ni Raiden

"I'm just piss---

"Selos dre, sel---

"Shut up!"- parang tuta naman na dumukdok si Aeolus sa dulo HAHAHAHA

"Continue, continue"- saad pa ni Aeolus

"Tsk"

Tumahimik ang paligid, we know Dracyian mag sasalita yan kapag gusto nya

"I'm just pissed"

Ilang sandale ay muli itong nag salita at bahagyang yumuko, nakita kong bubuka na naman ang bibig ni Aeolus kaya mabilis kong dinampot ang isang snack na nasa gilid ko at binato mismo sa muka nya, isa lang ang binato ko pero dalawa ang  nag landing sa muka nya --- binato ni Raiden

   'Shut up'   sigaw ko sa isip nya kaya bahagya syang napa ngiwi pero nanahimik naman

"I'm so pissed with his presence, I don't like him roaming around"- kumunot ang noo ni Dracyian

"Roaming around? Nino?"- napa lingon ako kay Raiden, natumpok mo dre !

Umalingawngaw sa pandinig namin ang malakas na pag buntong hininga ni Dracyian kaya sabay sabay kaming napa ngisi

"Ariadne"- and finally he said it, nice one bro your no----

"Bakit?"

Para kaming binuhusan ng malamig na yelo ng marinig ang boses ni Aria mula sa likod namin

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon