CHAPTER 35

2.1K 115 3
                                    

AVON 's POV

Naningkit ang mga mata ko habang pinapasadahan ng tingin ang paligid, napaka raming estudyante, malamang walong school ba naman ang nag punta, sabay sabay pa

"Excuse me?"- napa lingon ako sa babaeng kumalabit saking

"Yes?"-tanong ko at nginitian ito

"Can I ask where's the Photo booth?"- mahinhin nitong tanong

"Ah, there"- tinuro ko ang Photo booth na nasa gilid ng isang food stall

"Thanks"- umalis ito sa harapan ko at tumakbo palapit sa ilang mga student pag katapos ay itinuro ang photo booth

Napa kibit balikat na lang ako at muling lumakad papunta sa Audio Room kung nasaan sila Aria at ang Confession booth namin

Naka post naman sa bulletin board ang mga  Booth, food stall at location ng mga yun kaya hindi na masyadong mahihirapan ang mga bisita, at isa pa may mga nag iikot na grade school para tumulong if ever na may naliligaw, yun ang naisip na i-aasign ni Aria sa mga bata para hindi sila masyadong mahirapan like duh, mga walang sense of direction na lang ang naliligaw sa panahon ngayon

Sa kalagitnaan ng aking pag lalakad may isang grupo ng mga estudyante ang umagaw sa pansin ko, bahagya kong binagalan ang pag lakad ko at pasimple silang pinasadahan ng tingin

Mga nag uumapaw sa karisma at nag gagwapuhan ang grupo na iyon na naging dahilan rin upang pag tinginan sila at kiligin ang mga babaeng napapa daan sa harap nila

Bahagya naman akong natigilan ng mag salubong ang tingin namin ng isa sa mga lalaking nandun

Gwapo, matangos na ilong, maputi, singkit at kulay chokolateng mga mata, pero ang talagang naka agaw ng pansin ko ay ang napaka ganda nitong ngiti at ang malalim nitong dimple sa mag kabilang pisngi

"AVON"

Mabilis akong napa lingon sa lugar na pinang galingan ng boses ni Aeolus at lumakad palapit dito

"Bakit?"- tanong ko pag kalapit

"Tulungan mo nga si Estelle dun sa payment section, dinudumog, maya maya pa naman mag sisimula sila Aria"- naka ngiwi nitong saad kaya natatawang tinanguan ko ito at agad na nag teleport papunta sa payment section ng Confession booth, dahil nasa 2nd floor ang kinalalagyan ng booth namin ay nag lagay na lang kami ng payment at entry section sa baba ng kwarto ng Audio room para di na mahirapan ang mag entry, at paliliparin na lang ni Aeolus sa box na nilagay nila Aria sa bintana

"Mag kano po?"

"10 pesos confession, 15 naman po pag may kasamang song request"

Totoo nga, halos mag katulakan ang mga estudyante, karamihan sa mga nandito ay babae, iba na talaga ang panahon ngayon, babae na ang nag tatapat at lalaki na ang sinusuyo brrrrr!!

Lumapit ako sa tabi ni Cerise at umupo para I-entertain ang mga matatapang na mag lalabas ng damdamin HAHAHA

CERISE 's POV

"Aria, we'll start"- inabot ko kay Aria ang mga papel kung saan naka sulat ang mga confession

"Ang dami?"- gulat na saad nya habang inaabot ang mga papel

"Right? Nagulat din ako pag kakuha ko eh"- saad ko habang natatawa, mag sasalita kami ni Aria sa pay nasa, dahil kung sakaling isa lang samin ang mag babasa panigurado wala na kaming boses bukas

"Aria game?"- tanong ng isa sa mga kaklase namin na nasa loob ng editing room, nag ok sign naman si Aria at umayos ng upo, nag hahanda dahil mag sisimula na sya

Napa tingin ako sa wall clock, 2 hours na ang nakaka lipas simula ng mag bukas ang Magux gate at simula nun ay naging maingay ang paligid

"1...2...3...Go"- signal ni Yuwi, na naka assign sa sounds

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon