CHAPTER 3

6K 245 12
                                    

ARIADNE 's POV

"Eto po ang Garden, dito po kayo mahilig mag palipas ng oras lalo na po kapag pinagagalitan kayo ng mahal na Reyna" - napa ngiwi ako sa sinabi ni Tasha, sya yung sumundo sakin kanina para kumain ng breakfast, nalaman ko rin na sya ang personal maid ko nagtataka nga ako dahil na paka bata nya pa para maging personal maid, halos ka-edaran ko lang sya.

"Dito muna tayo" - Saad ko at umupo sa upuan sa tapat ng isang round glass table, sumunod naman ito at tumayo sa likuran ko kaya nilingon ko ito at tinuro ang isa pang upuan na nasa harap ko.

"Maupo ka" - utos ko rito, nanlaki naman ang mata nito

"Naku hindi na po—"

" May itatanong ako, ayoko namang lumingon ng lumingon"- kalmado kong saad dito dahil baka matakot ramdam na ramdam ko pa naman yung pagka-ilang at pag-iwas ng mga tao dito sakin, tumango naman ito at dahan-dahang lumakad palapit sa upuan.

"A-ano po ang gusto nyong itanong mahal na Prinsesa?" - muka ba akong manga-ngain ng tao para matakot sya? Kulang na lang ay manginig siya.

"Gusto kong malaman kung paano at bakit ako na aksidente" - bahagya pa akong lumapit sa kanya.

"A-ahh k--kasi p--po—"

Napangiwi na lang ako dahil sa pag ka-utal nito.

" Tasha, calm down hindi kita kakainin ng buhay, don't stutter, don't be nervous "-I try to sound calm

" O-opo"

"Also, raised your head" - utos ko na agad nitong sinunod, I motion my hand asking her to continue

"A--Ang nangyare po kasi nung araw na na aksidente kayo ay nag away po kayo ng mahal na Reyna, ayaw nyo po kasing pumayag na pumasok sa Magux Academy para mag aral" - paunang kwento nito, napa isip naman ako

"Huh bakit naman?"

"Ang sabi nyo po ayon sa pag kakatanda ko, 'Ayaw Kong pumasok dun, bakit kailangan Kong makisama sa mga mas mabababa sakin?' ayun po" - napangiwi na lang ako sa napakinggan.

"Anong klaseng pag uugali ba ang meron ako?" - anak ng tinapa talaga, mukang walang kasundo ang babaeng to, ako pa ata mahihirapan

"P - po?" - gulat at tila na tatakot nitong saad na mas lalong ikinasigurado kong masama nga ang ugali ng babaeng to, a spoiled bitch, I guess.

"I want an honest answer, I won't be mad I promise, I just want to know kung anong klaseng ugali meron ako" - sandali itong nanahimik at alanganin tumingin sa akin.

"Please?" - napabuntong hininga ito at tumango.

" Mabait naman po kayo nung bata kayo pero bigla lang po talaga kayong nag bago? Naging matigas po ang ulo nyo, lagi kayong sumusuway sa utos ng mga magulang ninyo, gusto nyo po lagi kayong tama kahit kadalasan ay mali naman po talaga kayo, hindi ho kayo marunong makisama, lagi nyo pong pinapagalitan yung mga kasambahay kahit wala naman po silang ginagawa, masyado po kayong masungit...masama po talaga ang ugali nyo"

Pagkatapos nyang sabihin yun ay nag habol sya ng hininga , habang naiwan naman akong nakatitig lang sakanya, akala ko ba takot sya? Eh bat parang nag labas sya ng sama ng loob sakin? Bat parang kasalanan ko?  Pero pakiramdam ko ilang taon nyang itinago ang saloobin nya.

" So ibig sabihin, kinarma ako" - tatango-tango kong saad sa sarili, kinarma si Ariadne dahil masama ang ugali nya at kinarma ako dahil mas masama akong tao, well fit ang tadhana namin, it's a tie!

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon