CHAPTER 10

4.4K 235 4
                                    

ARIADNE 's POV

Lumipas ang ilang araw wala akong ginawa kundi ang mag training at mag advance reading, nalaman ko rin kasi na home school si Aria dati dahil nga parang unti-unting nagbabago ang ugali niya.

This past few days ay natutunan ko kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko, maglabas ng kung ano-ano using snow, mga attack at defense technique, I also learn basic abilities like teleportation and telepathy, hindi ko pa masyadong gamay ang mind reading dahil di naman kami nag focus sa mga ability dahil matututunan ko naman daw sa Magux.

Nalaman ko rin pala kung anong ability nila Kuya, tulad ng sinabi ni Tasha every generation ng White ay taglay nila lahat ng Sub-elemet, I have the Blizzard Nova while Kuya Albus has the Frozen Shards and Kuya Vyn has the Storm Surge.

Nung oras na kailangan ng umalis nila Kuya para sa mission nila, kumuha ng personal trainer sila Mom para ma-ipagpatuloy ko ang pag-eensayo at habang tumatagal may mga bagay akong nadi-discover.

Then si Tasha naman kung hindi nya ako sinasamahan sa bayan para makipag 'friends' sa mga mamamayan ay tinutulungan nya ako sa history, yep! I want to research and discover about the history of this world kaya nagpapaturo ako kay Tasha.

"Mahal na Prinsesa pina-patawag na ho kayo ng Mahal na Reyna"- bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa si Tasha.

"Bakit daw?"- itinago ko ang mga libro na hawak ko at tumayo mula sa pagkakadapa.

"Mukang may sasabihin po tungkol sa pag-alis nyo bukas"- sagot nito, tinanguan ko sya at nauna ng lumakad palabas ng kwarto.

Dumeretso ako sa kwarto kung nasaan sila mom, naabutan ko sila na nagkukwentuhan ni Dad.

"Princess, sit here"- Aya ni Mom sakin na umupo sa tabi nya

"Why did you call me, mom?"- tanong ko at kumuha ng mansanas na nasa plato.

"Well, I just want to have a time with you before you start studying, matatagalan rin bago ulit tayo magkita"- malambing na saad ni Mom at niyakap ako.

" Are you done packing your things?"- tanong ni Dad

"Done na Dad"

" Bukas dadaanan ka nila Dracyian so you need to get ready as early as possible "- tinanguan ko si Dad

"Noted Dad"- maikli kong sagot dito bago itinuon ang atensyon ko sa mga pagkain na nasa harapan ko at kay Mom na naglalambing.

Lumipas ang araw na iyon na wala kaming ginawa nila Mom at Dad kundi magkwentuhan at magkulitan. Nang dumating ang gabi after dinner ay bumalik ako sa kwarto ko, naligo pagkatapos ay dinoble check ko yung mga gamit ko after that ay natulog na agad ako.

>>>>>>>

"Bye Mom, Dad! Take care"- I kiss their cheeks and wave at them.

"Mag-iingat ka anak, wag magpapasaway hanggat wala pa ang mga Kuya mo"- natawa naman ako sa sinabi ni Mom, so kapag nandun na sila pwede na?

"Ihahatid ko na ho kayo sa gate Mahal na Prinsesa "- prisinta ni Tasha habang hawak si Arvy.

"Sure, thanks Tasha! Mom, Dad I'll go ahead na po babye"

"Bye Princess "- Dad

"Ingat ka Aria"- Mom, for the last time ay kinawayan ko lang sila bago buhatin ang bag pack ko.

Ilang hakbang pa ang layo namin mula sa gate ng palasyo pero kita ko na agad ang isang puting sasakyan na nakaparada sa harap nito

Nang tuluyan kaming makarating ay ipinalagay ko na sa mga guard ang bagahe ko sa compartment ng kotse at hinarap si Tasha.

"Ikaw na muna ang bahala kala Mom, Tasha pati na rin sa cute na nilalang na 'to"- bilin ko dito, yumuko ako at hinaplos si Arvy na kanina pa tahimik, awww kung pwede lang kitang isama T~T

"Ako na po ang bahala, sige na ho at naghihintay sila Prince Dracyian, mag-iingat po kayo at wag masyadong pasaway"- ay grabe sya oh!

Binuksan ng isa sa mga kawal ang pinto sa back seat kaya bahagya akong sumilip, may batang babae na naka upo dun, sya yung bunso ayon sa pag kakatanda ko sa sinabi ni Tasha - - uhm Frea Bellesta ang name nya, tama ba? Tama yan!

"Bye Tasha, bye baby Arvy"- kumaway kami sa isa't isa bago ako tuluyang pumasok.

"Pagbati Mahal na Prinsesa"- bungad nung driver

"Ah, hello! Good morning"-bati ko pabalik, nilingon ko ang batang babae na nasa tabi ko....uhm

Alam nyo yung awkward? Kasi ako oo, yung sitwasyon ko ngayon yun yun, titig na titig kasi si Frea habang yung Kuya nya ay tahimik lang sa tabi ng driver seat, by the way may napansin lang ako, yung Kuya nya kasi—ang pogi mga beh *ehem* nakikita ko kasi sa side mirror yung face nya, walang sinabi yung mga tauhan ko sa Elite.

"Princess Ariadne, can I call you Ate?" - na baling ang paningin ko kay Frea sa sinabi nito.

"Sure" - nakangiti kong sagot

"Your so beautiful po, ang ganda ng hair nyo, mine is red, yours is white its so pure po" - owww I like her na

"Ang ganda mo rin, ang cute cute mo pa" - pinang gigilan ko ang pisngi nito habang sya naman ay humahagikgik.

"Ilang taon ka na?"

"7 years old po" - Saad nito habang nakasenyas ang mga kamay, ang cute!

"Frea Bellesta ang name mo diba?" - tumango naman ito

"Ayun naman po ang kuya ko, Dracyian po ang name nya" - tapos ay lumapit sya sakin na para bang may ibubulong

"Masungit po yan pero mabait, at gwapo pa, marami rin pong tagahanga yan" - bulong nito na ikinatawa ko, para kasing ibenebenta nya sakin ang kapatid nya — magkano ba HAHAHAHA yung kalandian ko lumalabas na.

"Bagay po kayo" - tatango-tango at malakas na saad ni Frea pagkaupo ng maayos natawa na lang ako.

"Frea!" - tawag sa kanya ng kapatid gamit ang warning tone, pero hindi sya pinansin ni Frea.

"Kapag niligawan ka ni Kuya wag mong sagutin agad Ate, lahat po kasi nakukuha nyan paggusto nya kaya dapat po pahirapan at..."

" Frea! "

" - - pakipot po muna kayo huh"- di ko alam kung matatawa ako o ano, baka kasi sungitan ako ng Kuya nya pagtumawa ako

"Eh mukang hindi naman ako ang type ng Kuya mo Frea" - natatawa ko na lang na pagsakay sa trip ng batang to, at bahagyang nilingon ang Kuya nya na nakatingin na pala sakin, nginitian ko na lang ito at muling binaling ang atensyon sa kapatid nya, ayokong tumingin ng matagal baka mahulog ako —sa kina-uupuan ko, hmm kayo ah, issue kayo!

"Malabo po yun, ang ganda ganda nyo po" - umuling pa ito ng ilang beses, pilyong bata

"Di lang naman sa panlabas na anyo yun"

"Ganun po ba?" - para namang na lungkot ang bata kaya napangiwi ako

"Pero sabi ng iba kapag mahal mo, kahit ano pang pagkatao tatanggapin mo" - Saad ko at ngumiti ng pilit, lumiwanag naman muli ang muka nito.

"Talaga po?"-masaya nitong saad

"Oo naman, kaya kapag hindi ako nagustuhan ng Kuya mo o kaya ay hindi nya ako niligawan, ako na lang ang manliligaw sa kanya" - taas noo ko pangsaad dito, napatili naman ito sa tuwa.

"Tutulong po ako sa pan liligaw mo, apir" - napangiwi ako sa sinabi nito, parang ang labas kasi ay wala talagang pag-asa na Kuya nya ang manliligaw sakin eh noh, pleasing a child is so hard!

Pero either way naman, I am confident on myself kaya there's a high possibility na ma-uwi nga kami sa ligawan Pffttt...

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon