CHAPTER 12

4.6K 174 0
                                    

ARIADNE 's POV

"Dapat pala nag teleport na lang tayo" - pagod na saad ni Estelle at binalibag ang sarili sa sofa

"Ayos lang yan, atleast we got some time to get to know each other" - nakangiting saad naman ni Cerise, naka-ulpo silang tatlo sa sofa habang ako ito nakatayo sa harap nila, hinihintay ko kasi yung mga lalaki para maiakyat ko na yung mga gamit ko.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto kaya mabilis akong lumakad papunta dun at sinalubong sila.

"Ako na, salamat" - I was about to take my baggage na hawak nila pero nilagpasan lang ako ni Draycian at nag tuloy-tuloy hanggang sa may second floor at huminto sa tapat ng isang kwarto kaya walang nagawa yung tatlo kundi sumunod dito at ilapag ang iba ko panggamit sa harap ng kwarto kung saan nilapag ni Draycian ang bagahe ko na dala nya, di ko lang alam kung matutuwa ba ako o kikiligin - - - mukang ang ungas din na 'to ang leader ng tatlong 'to.

Well wala naman na akong magagawa kaya umupo na lang ako sa tabi ni Cerise, maya-maya lang ay umupo na yung tatlong lalake sa kaharap naming sofa tapos si Dracyian sa single sofa

"So Ariadne, let me introduce this three idiots...this is Aeolus Neil Wynster he's an Air element holder, this is Caelus Cluym Zapptos a Storm element holder, the Thunder element holder Raiden Duvrion Vayzen and that Fire element holder Dracyian Axil Zynthasius" - pangunguna ni Avon sa pag papakilala sa mga lalake mukang hindi kasama si Dracyian sa 'idiot' na sinasabi ni Avon dahil 'thr3e idiots' ang ang sinabi nya.

Aelouse have this gray hair and his eyes is green, Caelus is cute he has orange hair and brown eyes, Raiden has a mix of blue and gray hair  while his eyes is gray, then the last but not the least, Dracyian, he has this red hair and his super, intense black eyes

"Nice meeting you all" - saad ko at bahagyang yumuko ng bigla akong hilahin ni Estelle patayo.

"Tour kita sa dorm dali" - excited nitong saad at hinila ako papunta kung saan.

...But first, can I rest for a while?

~~~~~~>>>>>>>>>

It's already 3:45 in the afternoon, mag-isa ako ngayon dito sa dorm dahil pinatawag sila Cerise, nagpapahinga lang ako dahil simula ng dumating ako ay hindi na ako tinantanan nung tatlo.

About naman sa dorm, sakto lang samin parang ginawa talaga ito para sa walong tao, may kusina at malawak na sala, may banyo kada kwarto, may apat na kwarto sa second floor, di naman gaano kataas ang second floor alam nyo yung tipong mini second floor? Di sya mataas mga walo o sampung baitang lang yung hagdan, di ko kasi nabilang, di sya mataas pero malawak, kumpleto rin sa gamit at maganda ang interior design, pinaghalong mga light colors kaya ang ganda tignan at ang gaan ng atmosphere.

Kasama ko sa kwarto si Cerise habang si Estelle at Avon ang roommate, sa lalaki si Draycian at Raiden, Caelus at Aeolus ang magkakasama, dalawang tao sa isang kwarto, ganun! So far okay naman ako, naninibago pero masasanay rin ako, mabilis naman akong mag adjust sa mga bagay-bagay.

Nakaramdam ako ng gutom sa kalagitnaan ng pagpapahinga kaya napag pasayahan kong bumaba para makapagluto, by the way kung nag tataka kayo kung anong klaseng pagkain ang meron sa mundong ito eh wag na kayong mag isip ng kung ano-ano pa, katulad nga ng sabi ni Kuya Albus most of the things na nandito sa magic world ay na adopt mula sa Earth kaya wag na kayong mag isip ng maigi, yes merong mga pagkain na kakaiba talaga sa paningin ko dahil may halong magic yung iba, lalo na sa bayan maraming kakaibang pagkain ang tinitinda pero karamihan ay katulad lang ng pag kain sa Earth.

Isa lang talaga ang pansin ko na hindi na adopt ng magic World sa Earth, ano yun?

Technology, which is reasonable naman dahil duh, they don't need cellphone to communicate even if they apart, like hello? Telepathy is waving! And also mga camera lang ang nakikita ko so far pero di rin ganun ka in demand, Tasha said because we have our own way to take pictures na hindi ko naman alam kung ano at paano, when it come to appliances, I can say that they adopt it so well, may nakita at na try kasi ako sa mansion na advance kesa yung nasa Earth.

Nasa harap na ako ngayon ng ref, kasi nag-aalangan akong kumuha ng makakain, like duh, kebago bago ko dito alangan namang kumuha ako ng basta-basta, kung sa previous life ko siguro pwede pa pero ngayon kasi as a part of the White family may mga bagay na kailangan ko iconsider bago magdesisyon at kumilos... Ilang segundo rin akong nakatayo sa harap ng ref., in the end ay napagpasyahan ko na nalang na lumabas, sabi ni Cerise ay may Cafeteria naman dito, magtatanong-tanong na lang din siguro ako

~~~~~

Nakaka hilo! @_@ kanina pa ako palakad-lakad di ko pa rin matagpuan ang Cafeteria, sa lawak ba naman ng paaralan na to, gusto ko lang naman sanang kumain.

"Excuse me, can I ask where the Cafeteria is?" - tanong ko sa babaeng naka salubong ko, pero ang bruha tinignan lang ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nilagpasan ako.

"Huh!" - napatingala ako at napa buga ng hangin, sa ilang beses na nagtanong ako ay puro ganon ang response nila, mute ba ang mga estudyante dito? Nagsisimula ng uminit ang ulo ko.

"ARAY!" - Inis kong sigaw dahil may bumangga sa likod ko, pasensyahan nalang nag-iinit ulo ko dahil sa mga stupident dito.

"S-sorry miss, sorry" - nilingon ko ang taong yun, to only see a beautiful guy, yes beautiful guy - - mas maganda pa ata sya sakin eh, aalis na sana sya ng mabilis kong hinawakan ang braso nya.

"Y-yes?" - wahhh ang cute, ngayon lang ako nakakita ng mahiyain at introvert na lalaki, sa fast life ko kasi puro barumbado at  laging nag hahanap ng gulo eh - - pero ang lalakin nasa harap ko ngayon?? Grabe ang cute nya ang ganda nya, sya na - - he has a violet eyes and his hair is blond ang liit ng muka nya at ang kinis nya beh, mahihiyang tumubo ang mga pimples

"Can I ask where is the Cafeteria is?" - nakangiti kong tanong, may balak naman siguro syang sumagot ng maayos noh.

"Uhm, s-samahan na lang kita?" - suggest nito na agad kong tinanguan, choosy pa ba, eh gutom na gutom na ako

"Let's go, gutom na gutom na ako, nag-iinit na rin ang ulo ko dahil sa mga stupident dito, biruin mo nagtatanong ako pero mga mute ata at ayaw sumagot, nakaka-inis" - nakasimangot kong reklamo dito, I heard him giggle

"Ganun talaga ang mga student dito lalo na pagbago ka, feeling superior" - naka ngiting  sagot nito

"Ano nga pala name mo?" - I ask

"Jian, Jian Nym Gibbethon, I'm an Air element holder" - he introduced

Jian? Why do I have this feeling na parang familiar ang name nya? Aish never mind.

"Ako, ako naman si Ariadne Harriet Hukea White, I'm Snow element holder" - nakangiting pag papakilala ko

Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang tumigil si Jian, gulat na gulat ang ekspresyon ng muka nya,

"Bakit?"

"White? Y- your the Daughter of King and Queen White?" - gulat na tanong nito, dahan-dahan naman akong tumango

"Why?"

"S- sorry, sorry for my rudeness, I - I didn't know that you're Princess Ari - -

I cut his words dahil alam ko na kung saan papunta to

" Ano ka ba, normal na estudyante na lang din ako sa oras na to, cut the formalities at isa pa we're already friends right?" - nakangiting pangunguna ko dito, desisyon ako eh bakit ba.

"Pero--"

"Wala ng pero pero, I don't take a no for an answer at isa pa, matatanggihan mo ba ang isang cute na tulad ko? Huh no way" - biro ko dito and flip my hair.

Ilang saglit pa syang nakatayo duon habang naka titig sa mga mata ko, ako naman tong ninenerbyos, disadvantage of having high position.

Naka hinga ako ng maluwag ng bahagya itong ngumiti at tumango.

"Yes! Let go, magwawala na talaga ako kapag di pa ako nakakain" - masaya Kong saad at tsaka sya hinila

New friends! Well I'm ready to make a lot of friends, isa yun sa pangarap ko dati,-- Isa yun sa naka limutan kong gawin sa fast life ko, ma-enjoy ang student life ko and make memories with a friends I made

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon