CHAPTER 4

5.4K 237 2
                                    

ARIADNE 's POV

Halos limang minuto lang ang lumipas ay nakarating na agad kami sa baba kung nasaan ang mga karamihan sa mga tao at isa lang din ang masasabi ko grabe kung nakaka matay lang ang tingin namatay na naman siguro ako, parang isang malaking pagkakamali ata ang pag punta ko dito sa bayan.

"Bakit pakiramdam ko ano mang oras may sasaksak sakin?" - nakangiwi kong biro kay Tasha.

"Magtataka pa ho ba kayo Mahal na Prinsesa? Sabi ko nga po kanina diba? Ayaw sainyo ng mga tao nyo" - nakakahurt ng feelings, gusto kong ma offend dahil first of all hindi naman ako yung taong inaayawan nila, nakiki sit-in lang ako sa katawan nya.

Habang patuloy kaming lumilibot sa bayan sakay pa rin ng kabayo, ang mga tao naman dito ay haaaaaalos patayin na ako sa tingin, grabe naman tong si Ariadne, everyone's enemy ang peg.

Huminto kami sa isang malawak na lupain di kalauyan sa bayan upang ipark ang mga kabayo namin—HAHAHA ipark, buset, how to park a horse?

"Wag kang lalayo sakin" - Saad ni Kuya Vyn pagkalapit sa akin, tinanguan ko naman ito tsaka sumunod sakanya.

Ang ganda ng lugar na ito sa totoo lang, ang sasaya ng mga tao, ang daming paninda, sariwa ang hangin at napaka peaceful ng atmosphere, yung mga bahay hindi man gaano kagagarbo pero ang gaganda ng pag kakadesenyo, halatang maayos ang pamamahala ng mga nakakataas.

"Magandang umaga Prinsepe Silvyr" - bati nang isang babae na nakasalubong namin, huminto ito at marahan na tumingin sakin.

"Magandang umaga Prinsesa Ariadne" - nginitian ko ito kahit na parang pilit na pilit pa yung pag bati nya sakin.

"Magandang umaga din po" - bati ko pabalik, at katulad ng mga tao sa palasyo, gulat na gulat ang ekspresyon nito dahil sa pag bati ko.

Grabe, sumasakit ulo ko sa sitwasyon ko!

"KINCOLLES KINGDOM po ang tawag sa kaharian na ito, ang magulang nyo ho ang kasalukuyang namamahala dito" - pagpa-paliwanag ni Tasha, nasa likuran si Kuya Vyn habang abala naman ako sa pag tingin sa mga paninda dito, nakaka aliw dahil kakaiba ang mga nandito, tuwang tuwa ako habang yung mga tao dito nilalayuan ako.

"Anong ibig sabihin ng KINCOLLES?"  tanong ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nakatuon sa isang kulay puting bulaklak.

Ang ganda nun, nagbubukas sara ang ibabaw nito tapos nagkakaroon ng kulay violet kapag bubuka, gumagapang yun hanggang sa muli itong sumara.

"THE CALM ISLE po ang ibig sabihin nun, dahil katulad ho ng mga mahi—"

Hindi ko na narinig ang mga sumunod na sinasabi ni Tasha dahil may kung anong bagay ang naka pukaw sa atensyon ko kaya tumakbo ako papunta duon.

" ARIADNE! "- rinig kong sigaw ni Kuya Vyn pero di ko ito pinansin.

Namamangha akong napa tingin sa isang - - Hamster? Ibon? - - I'm not really sure what to call this thing pero ang cuuuttteee nya!!

"ARIADNE! I told you to stick with me"-narinig kong saad ni Kuya Vyn sa likuran ko habang hinihingal, naka ngiti ko syang nilingon at tatalon talon pang lumapit sa kanya sabay kapit sa laylayan ng damit nya

"Kuya, gusto ko nun" - saad ko habang naka turo sa di ko masigurado kung anong klaseng nilalang.

Nagtaka naman ako ng makita ko ang bahagyang pag-awang ng labi nito tapos tumitig sakin, mga ilang segundo rin sya sa ganong posisyon hanggang sa unti unting gumuhit ang malaking ngiti sa labi nya, he patted my head while nodding, wala syang sinabi na kahit ano basta lumakad na lang sya papunta sa shop kung saan nandun yung tinuturo ko, weird?

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon