CHAPTER 15

3.6K 175 1
                                    

ARIADNE 's POV

"Pano kayo nag kakilala ni Jian?" - usisa ni Avon

"Sya yung kasama ko kahapon, ayaw kasing sumagot ng mga estudyante dito mga feeling sikat"

"Pftt,, competitive kasi mga estudyante dito, pero kung alam lang nila na isa ka sa mga Royalty naku, baka sila pa mismo nag prisintang lumapit sayo" - natatawang Saad naman ni Estelle, napa kibit balikat na lang ako

"Sa mga ganitong panahon talaga malalaman kung sino yung mga nag babaitbaitan lang"

By the way, papunta kami sa field ngayon kanina pa rin kasi kami palakad lakad, si Jian naman, may pupuntahan ata sila nung kasama nya, nag hi lang ako kasi naman mga sis, yung tingin talaga ng kasama nya, malalagutan na ako ng hininga ano mang oras

" Sino pala yung kasama ni Jian kanina?" - tanong ko sa tatlo, muka kasing kilala nila yung dalawa

"Si Crassus yun, president ng 1B,vice naman si Jian kaya lagi ring mag kasama" - napa tango tango naman ako,

'Crassus pala ah' - Saad ko sa isip ko at napa ngisi

'You like him'

Halos mapa talon ako sa kinatatayuan ko ng may kung sino na naman ang nag salita sa isip ko, lumingon ako sa likod namin dahil kilala ko ang boses na yun, pero ang ungas sa malayo naka tingin at parang wala lang

'Binabasa mo ba ang isip ko' - sagot ko sa kanya sa isip ko

'What do you think' - amp.

'Don't you know the word privacy?' - Inis Kong tanong dito

'I'm not always reading your thoughts, kapag gusto ko lang' - aba, nangangatwiran pa

'Eh kung sapakin kita? Wag mo ngang Basahin ang iniisip ko'

'Then close your mind'

'Huh?' - Pano ko isasara yung isip ko? Pwede ba yun? Weh?

'Stup*d'

"YAHH!!" - sigaw ko dito, lakas ng loob na tawagin akong Stupid? Ako? Stupid? Huh nasa top kaya ako lagi sa past life ko

Pero, boba rin minsan, tulad ngayon, di ko napansin na naivoice out ko pala ang pag sigaw na yun kaya ako tuloy ang pinag titinginan ngayon

"Anyare sayo Aria?" - natatawang tanong ni Avon, nakaka hiya fudge, tinignan ko ng masama yung bakulaw na pangisi ngisi sa gilid, kutusan ko kaya to, di porke gwapo sya dyan sa ginagawa nya - - hmp!

"Kayo ah, nag uusap pa kayo sa isip" - tinapunan kami ng maka hulugang tingin ni Aeolus, isa pa to, inirapan ko na lang sila at nauna sa pag lakad

"HAHAHAHA si Aria, kinikilig" - sigaw ni Estelle habang tumatakbo palapit sakin

"Ma-issue kayo ah" - naka ngiwi Kong sabi sa tatlo na tinawanan lang nila

'Who's that girl?'

'Why is she with the royalties?'

'Friends?'

'She's so beautiful'

'How dare her shout at the royalty?'

'Attention seeker'

Ayan ang mga bulong-bulungan habang dumadaan kamio, tss, pake ko naman sa comment nyo, kung ako attention seeker kayo mga marites, chismosang mga bubuyog

>>>>>

"Dito madalas ginaganap ang mga school event, minsan sa school gym pero kadalasan talaga ay dito, like activity battle, school fest ganun, dito rin minsan ang P E pero madalas sa Training room"

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon