HER POV
Ramdam ko ang paggapang ng sakit sa buong katawan ko, para akong nahulog mula sa ikatlong palapag ng bahay ko papunta sa ground floor.
Dahan Dahan kong iminulat ang aking mga mata, sobrang sakit ng ulo ko sa mga oras na 'to, mlabo man ang paningin ay pinilit kong tumayo mula sa pag kaka higa na mas lalong ikinasakit ng katawan ko, bahagya kong iniling-iling ang ulo ko para kahit papaano ay luminaw ang paningin ko
Ano bang nangyari? Ang huling natatandaan ko lang ay ang senaryo bago tuluyang sumabog ang bomba
Ano ba? Nakaligtas ba ako? Nasa ospital ba ako?
Ilang ulit pa akong kumurap hanggang sa tuluyan na ngang bumungad sa akin ang kinaroroonan ko, malaki at malawak na silid, makikintab na mga palamuti na karamihan ay puti at ginto ang kulay
Pang VIP pa ata ang kwartong to!
"Argghh!" - muli akong napa hawak sa aking ulo ng kumirot ito, saka ko lang rin napansin na may naka ikot na benda sa ulo ko
'Nasaan ba kasi ako?' ' Bakit wala yung mga mukang unggoy kong tauhan?' ' O baka naman nasa kabilang buhay ako? Nasa langit na ba ako? —Oh shit! Di pala ako tanggap dun, my bad -,- '
Para na akong baliw na kinakausap ang sarili, pinilit kong tumayo at lumakad palapit sa malaking bintana na natatabunan ng isang puting kurtina.
Hinawi ko ang kurtina para kahit papaano ay matanaw ko ang lugar na kinaroroonan ko pero halos malaglag ang panga ko sa bumungad sa akin.
Yung totoo...where the heck Am I? Packing tape, di talaga pwedeng nasa langit ako eh! Di ako makakapasok dun!
Isang na pakaganda at isang di pamilyar na lugar at tanawin ang bumungad sa akin, ang nag tataasang mga puno na sumasabay sa pag ihip ng malakas na hangin, ang ibat ibang makukulay na mga bulaklak at di kalayuan ay ang nag tataasang mga bundok na nababalot ng nyebe kaya halos maging puti ang kabuuan nito, mula rin sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang mga bahay sa baba
Pero ang mas naka kuha ng atensyon ko ay ang kulay lila na mga ulap, kakaiba sa paningin, magandang pagmasdan ngunit parang nag huhudyat ng kapahamakan...shhh creepy!
"Mahal na Prinsesa, gising na kayo!" - nabaling ang atensyon ko sa mga taong pumasok sa silid kung nasaan ako, nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko naman sila kilala
"Tawagin mo ang mahal na Hari at mahal na Reyna, iparating mong gising na ang mahal na Prinsesa!" - aligagang utos ng medyo May kaedaran ng babae na sa tingin ko ay may pinakamataas na katungkulan kumpara sa mga kasama nito, agad naman din namang sumunod yung iba at lumabas sa kwarto
Tahimik ko lang silang pina panood hanggang sa muli akong balingan ng atensyon ng natirang babae-- basta wala akong ginagawang masama, hindi ko nga alam kung bakit ako nandito sa lugar na to, baka pag bintangan pa akong mag nanakaw ng mga to.
" M-Mahal na Prinsesa, ayos na ho ba ang pakiramdam ninyo?" - nag aalala man ay ramdam ko rin sa tono nito ang takot, taka naman akong napa lingon sa gilid ko, kaliwa--kanan hanggang sa ilibot ko ang paningin sa buong paligid at muling ibinalik sa babae ang paningin
" Mahal na Prinsesa? "- muling tawag nito ngunit sa oras na ito ay may pag tataka, dahan dahan Kong itinuro ang sarili - - ako ba ang tinutukoy nito!
"A-ako ho?" - nag tataka kong tanong at sa di malamang dahilan ay napasinghap ito na tila ba gulat na gulat
"Opo, kayo nga po mahal na Prinsesa, h-hindi nyo po ba natatandaan?" - nag aalala nitong tanong
Napa kurap naman ako - - ano bang nangyayari? Ano ba prang ba this? Like May hidden camera tapos mamaya lalabas yung mga tauhan ko at sasabihing, ' It's a prank'?
Naghihirap na ba ang organisasyon namin at napagpasyahan na nilang pasukin ang mundo ng social media?
Ilang segundo akong nanahimik at nakatingin lang sa babaeng naka damit pang katulong, aba hinihintay ko yung ' It's a prank'... Pero halos ilang minuto ang lumipas ay nanatili itong nakatayo sa harapan ko habang nakatikom ang bibig.
Nagsimula akong kabahan, sa hindi malamang dahilan ay kusang nahulog ang paningin ko sa aking kamay - - at mas lalo akong kinabahan dahil sigurado ako, as in 1000 percent sure akong hindi akin yun.
Masyado itong maputla, oo maputi ako pero hindi ganito na halos kakulay na ng nyebe -- kulay anemic na to eh, isa pa maganda ang kamay ko pero hindi ganitong parang hindi nabahiran ng dugo, ewww halatang masyadong malinis, walang bahid ng kademon--kasamaan.
Muling nag likot ang mata ko sa buong silid hanggang sa matagpuan nito ang hinahanap, masakit man ang katawan ko at kumikirot ng todo ang ulo ko ay pinilit kong tumakbo papunta sa harap nito.
"Mahal na Prinsesa, mag ingat ho kayo - - kagagaling nyo lang ho sa isang aksidente" - gulat at puno ng pag-aalalang sigaw nung babae sa akin ngunit hindi ko ito pinansin hanggang sa tuluyan akong maka rating sa harap ng salamin
And for the second time - - my jaw almost drop because of what I saw, takot? No more on confession ang unti unting lumamon sa buong sistema ko habang naka titig sa imaheng nasa repleksyon ng salamin-- sino naman ang babaeng to?
Ang puti nitong buhok at balat na tila ba binalot ito ng nyebe ang labi nito na kasing pula ng dugo at ang mga asul nitong mata na tila sinisisid mo ang karagatan kapag tinititigan ito —wow! Kailan pa ako naging makata? Anyway, hindi ako to! OoO - - pero papaanong napunta ako sa katawan nito?
Then a sudden flashback appeared on my mind - - the scene where I died, it's kinda blurry but at the same time is clear.
Yeah Right, I'm dead, patay na nga ako, malabo talagang nasa langit ako eh, but what's happening? Did I got reincarnated? Transmigration? Regression? O kung ano mang tawag sa leche plan na yan!
Natigil ako sa pag iisip ng muli kong marinig ang pag bukas ng pinto at ang sunod sunod na yapak ng mga pumasok, nag-aalangan man ay nagawa kong lingunin ang mga ito.
Mga imahe ng di ko kilalang tao ang bumungad sakin, halatang mayayaman dahil sa paraan nila ng pananamit ganun narin sa kanilang tindig.
"Anak?" - tawag ng magandang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40
"Kamusta ka na anak? May masakit pa ba sayo?" - tanong naman ng lalaking katabi nito na nakaalalay sa bewang nung babae, obviously mag-asawa sila.
Napa lunok naman ako habang pinag mamasdan silang dahan dahang lumalapit sa kinaroroonan ko, in fairness naman ang ganda ng kahit ng pamilyang 'to
"Nag susungit ka na naman ba at ayaw mong sumagot?" - naka ngiting tanong nung isang binatang lalaki sa likuran nung mag asawa, dalawa binata silang nasa likod at mukang halos mag ka-edad lang.
"Anak? Ayos ka lang?" - muling tanong nung babae ng mapansin ang pananahimik ko, huminto silang lahat sa harapan ko, ang mga kasama nilang mga katulong ay nanatili sa likuran at naka yuko, lahat sila ay hinihintay ang sagot ko
Tinitigan ko sila at pinag aralan ang bawat kilos at ekspresyon na mayroon sila at iisa lang ang nakaguhit sa mga muka nila at ang isinisigaw ng mga mata nila, 'pag-aalala'
Huminga ako ng malalim, mukang hindi sila aalis hangga't hindi ako umiimik
" Who are you?"
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS
FantasíaIs it really good to be reincarnated? Well, yeah masaya naman talagang mabuhay after mong mamatay Pero paano kung pag mulat ng mga mata mo nasa ka tauhan ka na ng ibang tao? Ano ang gagawin mo kung mapunta ka sa sitwasyon na kailan man ay di mo na i...