CHAPTER 43

2K 105 14
                                    

"Ayos ka na Aria?" - napa irap ako ng makita ang tatawa tawang muka ni Aeolus, tumayo ako ng maayos at pinunasan ang bibig ko

"Masaya ka dyan Aeolus?" -inis kong saad dito, nawala ang ngiti nito sa labi at umiwas ng tingin

Pag kalapag na pag kalapag kasi namin ay talagang bumaliktad ang sikmura ko kaya ayan, ang ending sinuka ko ata lahat ng almusal ko -- duh, dalawang tumapat at isang hotdog nga lang kinain ko tapos sinuka ko pa?

"Nasa League Forest tayo, maging alerto kayo" - saad ni Estelle habang nag lalakad kami

"Anong meron dito?" -tanong ko kay Jian habang naka kawit ang braso ko braso nya

"Maraming mapanganib na hayop dito Aria, kilala ang Forest nato bilang lungga ng nga wild animals" -naka ngiting sagot nito, eh bat parang masaya pa sya!

Tahimik lang naming tinatahak ang tahimik at malawak na gubat, inaantok pa ata si Avon kaya si nag iingay, habang yung iba naman ay alerto na nag mamasid, sabi ni Ms. Venice hindi naman na daw kalayuan ang lalakarin namin hanggang sa maka rating kami sa Dream Village, at ayon kay Dracyian mga 8:00 or 9:00 am ay makakarating na kami -- maliban na lang daw kung may disaster na mangyare

"Nagugutom na ako" - bulong ko kay Jian na ikinatawa nito

" Isuka mo ba naman lahat ng kinain mo"- minsan sarap din batukan tong si Jian eh

Nanahimik na lang ako dahil lalo akong nagugutom pay nag sasalita, tsaka sayang energy

/ / / / / / / / / / / / / 7:25 am / / / / / / / / / / / / / / /

"Sandale, pahinga muna tayo, namamanhid yung binti ko" -sumalampak si Avon sa malaking ugat ng puno habang hinihilot ang binti nya, agad namang lumapit si Raiden sakanya at sya ang nag hilot sa binti ni Avon

"Kikiligin na ba ako?" -natatawang bulong ko kay Jian

"Wag, may mag papakilig naman sayo, wag kang maki agaw sa kilig ng iba" -nginiwian ko sya

"Ah talaga ba Jian? Ganyan ba pag imune na sa kilig?" -natawa sya sa sinabi ko, di man lang tinanggi, hinila ako ni Jian palapit sa isang puno at pina upo ako sa ugat nun

" Puntahan ko lang si Crassus"-napa ngisi ako

" Yan tayo eh, sige na shoo! Puntahan mo na dahil maya maya mag tatransform na yan"-ginulo muna nito ang buhok ko bago tumakbo palapit kay Crassus na nag mumukmok dahil kanina pa ako naka dikit kay Jian --- duh, he's my Gurdian bawal umangal, may karapatan ako chos Hahaha!

15 minutes, 15 minutes ang ibinigay na oras ni Dracyian para maka pag pahinga kami, ang bossy nya ngayon palibhasa sya ang leader -- Ohoo, yup! Every team mission ay may leader at ayon sa kanila si Dracyian ang leader nila, kaya sya talaga ang boss namin wala namang aangal, takot lang naming maging inihaw na tao!

"Ang cute" - napa lingon ako kala Estelle at Cerise na nag kukumpulan sa isang puno, may pinag tsitsismisan

"What's that?" -usosyo ni Aeolus at Caelus

"A willow?" - willow? Anong willow?

"Willow?" -tanong ni Avon na hanggang ngayon ay naka upo habang sa tabi nya ay si Raiden, si Dracyian palakad lakad sa di kalayuan, habang si Jian at Crassus nasa nasa malapit kala Cerise

"Yup" -sagot ni Cerise ng hindi ito nililingon

"Raiden hulihin mo dali" -muntik pa akong natawa ng makita ko kung paanong muntik masubsob si Raiden dahil sa malakas na pag tulak sa kanya ni Avon Hahaha

"Huliin? Yung huling willow na nahuli ko nilayasan ka diba?" -naka simangot na saad ni Raiden habang pinapagpag ang pants nya

"Dati yun, bata pa ako nun di pa ako marunong mag alaga, dali na baka umalis" -maktol ni Avon, ginagawa atang pet ang willow

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon