CHAPTER 103

2.9K 187 16
                                    

Nakakawalang gana tuloy pumunta sa Christmas mamaya, ano ba ‘yan! Ang hirap pagmay ganto, wala akong kasabay umiyak ngayon dahil hindi umulan. Sa bawat pag-iyak ko kasi sinasamahan ako ng ulan pero pati ulan iniwan na rin ako.

Magpapaskong malungkot. Sana lang, mawala ito mamaya. Ayaw kung mag-alala sila tungkol sa akin.

'mag-aalala nga ba sila?'

Totoo kaya 'yong mga narinig ko? Pero what if nga niloloko lang nila ako?

Ayaw ko na.......

Kung ganun man ang mangyayari, hindi ko alam gagawin ko. Minahal ko na sila. At sila lang ang kauna unahang nagsabi sa akin na, 'I'm belong to their family. Pamilya daw kaming lahat.' I'm very very happy talaga nung narinig ko iyon.

Ilang taon kaya ako nung nawala si mama at papa?

Ano na kaya ginagawa ni zeb ngayon? Buhay pa kaya siya?

Kamusta na kaya si jethro at tyrone?

Sino ang mamatay sa section 7?

Argh!! Si lola hilda kasi eh!!! Dami ko tuloy isipin!!

Bakit kaya sa akin lang nagpapakita si lola hilda? Hindi naman ako part ng family nila? Ang weird.......

Never akong naging part ng isang Family hahahahaha reality......

Arghh!!!

Palihim akong bumalik sa bahay para kunin ang mga gamit ko. Maglalayas talaga ako! Charr doon ako kina tylia, doon na ako titira! Bahala sila!

Kidding, alam ni tita WHAHAHAHA

Bago ako pumasok nakita ko si kuya na may kausap na babae. Nagtago ako sa taas ng puno para makita kung sino iyon. Malay natin, niloloko niya lang pala si lindsay di ba? Hindi ako papayag do'n. Hindi ko hahayaang masaktan ang kaibigan ko.

Hirap na magtiwala ngayon sa mga walang puso like him.

Wala tuloy akong pangregalo sakanila lalo na kay peter!! Bakit ko kasi itinapon kanina 'yong pera? Jusko naman veb! Ginawa mo? Sayang 'yon! Bihira lang ako makahawak ng ganung kalaking pera. Hindi naman kasi kalakihan ang baon ko na ibinibigay sa akin ni tita. Ang pinaka malaki lang 'ata fifty pesos. Pero okay na iyon sa akin, hindi naman ako magastos like others. Ice cream o kaya mga street food lang naman binibili ko.

"Akala ko ba ngayon mo ako ipapakilala sa family mo?" Ani ng babae kaya napataas ang kilay ko. Siya ba si ysabella? Humarap ka gurl! Baka isa ka sa alagad ng Queen of higad. May ysabella din kasi do'n. Pero what if siya nga?! Aba! Tatalon talaga ako dito sa puno para kaladkarin siya papuntang impyerno!

Pero huwag muna, I'm not sure pa. Baka hindi naman siya. Pero..... Hindi nagkakamali ang instinct ko. Ayyy!! Nubayan!!!

"C'mon babe, I even had a problem because of my mother's illegitimate child."

Talaga ba? Kutusan ko kaya ito? Gustuhin ko mang magalit sa sarili kong kapatid pero hindi ko magawa. Ako kasi ang isang babaeng nangarap na magkaroon ng kuya, kuyang mag-aalaga sa akin. Pero wala eh. Hahahahaha naging baliktad ang lahat.

Gustong gusto ko siyang patayin! Hayop siya!

Humarap siya at ayon nalang ang laking gulat ko. Hindi nga nagkakamali ang instinct ko!

May bigla nalang nag pop up sa utak ko. Kung hindi ako nagkakamali....... Siya ang kachat dati ni tyrone, bukod kay alora na nilalandi boyfriend ko.

Ysabella Jean Estrella.

Hindi pala talaga si alora ang Queen of higad, kundi si YSABELLA JEAN ESTRELLA!!

hahahaha nakakatawa lang isipin.

The only girl in section 7 (S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon