Nakahinga na rin ako ng maluwag, hysss.
Iniabot sa ‘kin ni jethro ang alcohol.
"Spray ka?"
"Mukha ba akong spray?"
"No, I mean mag-spray ka."
"Ayusin mo naman kasi!"
T-teka? Andres ba kamo?
Jethro Andres?
Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. "I think nakita na kita, teka iisipin ko" *nag-isip*
"Hindi ko talaga tanda," kamot-ulo kong sabi sakanya.
"Phoenix university." saad nito kaya napatingin ulit ako sakanya.
Phoenix?
"Tamaaaaaaaa!!!! Kaya pala kilala mo ‘ko, ahh!"
"Maldita mo nga, eh!"
"Ulol!"
"Nauulol ka sa ‘kin?"
"Halaman!"
Sandaling tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya ito.
Tumingin-tingin siya sa paligid na para bang may tinitignan. "Anyproblem?"
"We need to go, baka mamatay ako ng maaga dito, bakit mo ba sila sinama?"
"Sinong sila?"
"Nevermind!"
he grabbed my hand and pulled me everywhere. para siyang may tinataguan.
"Saan mo gustong pumunta?" He asked me.
"Sa puso mo, yieeeee!!!" Pagbibiro ko, ngumiti lang siya sa'kin at inilabas ang cutter.
"Sana magkasya ka," ngumiti siya sa akin ng hindi ko maintindihan.
"D-do-don't tell me, hihiwain mo ‘yang balat mo?"
"Yeah, sabi mo di ba, sa puso ko?"
"Ayy, mahabaging langit! ang panget mo kabonding!"
"Just kidding, let's go bago pa nila tayo mahanap."
"Sino?"
"Magsaya nalang tayo!"
"Buti pa nga, masyado nang magulo utak ko ngayon," napabuntong hininga nalang ako.
"Do you want some coffee?"
"Ofcourse, kape pa ba?"
Kinuha ko ang cellphone ko dahil nag-vibrate.
From: Unknown number
Nakikita kita, so get organized or I will cut your two mountains.
Napataas ang kilay ko dahil sa message. 'sino kaya 'to? Naligaw yata'
Ibinalik ko nalang sa bulsa ko ang cellphone pero hindi ko pa man nalalagay ay tumunog ulit ito.
From: Unknown number
I'II watching you.
Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala akong nakita kundi ang mga naglalandian sa paligid.
BINABASA MO ANG
The only girl in section 7 (S1)
Teen FictionVebbiana, Ang babaeng walang hinangad kundi ang malaman ang totoo at mamuhay ng maayos at payapa. The girl that hate people around her. Dahil sa sobrang pasaway at basagulera ay hindi siya tumatagal sa pinapasukan niyang Pa-aralan. Talentado siyang...