LOVE, CAMERA, ACTION!

82 13 7
                                    

Kinakabahan ako ngayon. Excited na rin. Sino ba ang hindi ma-e-excite? Ma-me-meet ko na rin sa wakas ang mga naging kaibigan ko sa RPW. It's been a year since I joined that world. It's our first time to meet up thou. Since bawal din naman noon, COVID din kasi. Ngayon lang kami nag-desisyon na magkita-kita. Kaya talagang sobrang saya ko ngayon.

Sa sobrang excitement nga ay nauna na ako sa oras ng usapan namin. Dapat ten o'clock pa kami magkikita-kita pero nine pa lang ay naandito na ako sa Mall of Asia. Sino ba 'di ma-e-excite? Gosh!


Kapag pala excited ka, hindi rin talaga mawawala ang kaba, ano? Talagang kambal na ata sila. But at the same time, may lungkot din akong nararamdaman.


Tumingala ako upang hindi lumabas ang luha sa mga mata. Biglang sumakit ang lalamunan ko. Napangiti ako habang nakatingin sa langit.

Sana masaya ka diyan.

Bulong ko.


Ilang minutong paghihintay ang ginawa ko bago sila unti-unting dumating. Nang makumpleto at napagpasyahan na naming puntahan ang isa sa mga taong nakilala namin sa RPW na talaga namang naging espesyal sa puso namin.

Bumyahe pa kami dahil gusto naming bisitahin siya mismo sa kanilang bahay. Doon kami didiretso.


Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. This is our first time meeting in person. Excited ako. Sobrang excited. Sino ba naman ang hindi?

Nang makarating sa bahay nila, unti-unti kong naramdaman ang mga paro-parong matagal ng hinihintay ang pagtatagpong ito. Sa bawat hakbang namin, palakas ng palakas ang tibok ng aking puso. Mabuti na lang at nawili sila sa pag-uusap kung kaya't hindi nila napapansin ang pagiging kabado ko.



Nang makarating kami ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sa wakas. Ma-me-meet ko na rin siya. Hindi ko ma-explain kung gaano kasaya ang nararamdaman ko ngayon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Napangiti ako nang makita ang kaniyang mukha. Payapa at halatang masaya sa pagdating namin.

LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon