Unread Messages

9 5 0
                                    

Flint Crossford:

Lloraigne Estelle:

Hi, Flint Crossford.

2026 na. Three years na ang nakalipas.

Alam kong hindi mo na 'to mababasa.

Alam kong mukhang baliw lang ako sa ginagawa kong 'to pero...

Gusto ko lang sabihin na...

Ang daya mo!

Iniwan mo akong mag-isa sa dalawang mundo.

Sabi mo, Mahal mo ako?

Pero bakit iniwan mo ako?

Bakit hinayaan mong ilayo ka sa akin—sa amin ng sakit mo?

Alam mo ba, kung gaano kasakit maghintay sa'yo, na muli kong makita 'yung berdeng bilog sa ilalim o gilid ng pangalan mo?

Alam mo ba, kung gaano nakakainis ang wala ng matanggap ng mensahe mula sa'yo?

Ang daya-daya mo sa part na binigo mo ako, na binigo mong tuparin 'yung sinabi mong magpapagaling ka. Na magpapagaling hindi lang para sa amin kundi para na rin sa sarili mo...

Paano natin tutuparin nang magkasama ang mga pangarap natin? Kung nauna kang pumunta diyan sa itaas? Akala mo ba, may alak diyan? Hindi ba sabi mo, sabay nating susubukan iyon? Paano na 'yung sabi mong sasamahan mo akong akyatin lahat ng bundok dahil pangarap ko 'yon? Paano na kita masasamahan sa mga medical missions mo?

Nakakabwisit ka, alam mo 'yon?

Kung nababasa mo 'to, alam kong pagtatawanan mo lang ako. Baliw ka e.

Ang dami naming naghihintay sa paggaling mo!

Ang dami naming gusto kang makita ngayong taon. Tulad ng napag-usapan, hindi ba?

Pero bumitaw ka na agad...

Iniwan mo kami.

Paano mawala 'yung sakit? Guide me oh. Mukhang hindi ko yata kaya ang pagkawala mo.

Nakakapagod umiyak, sa parehong dahilan. Sa parehong sakit na parang hindi man lang nababawasan.

Sana, sana magawa kong tanggapin na wala ka na. Sana magawa kong ikuwento lahat ng alaala natin nang hindi na umiiyak nang dahil sa lungkot lang. Sana mahanap kitang muli sa susunod nating mga buhay. Sana, sa mga panahong 'yon tayo na ang itinakda. Sana, sa oras na magkita tayo ulit, pareho na nating masisilayan ang mga ngiti sa labi ng isa't isa. Sana, sa susunod, sa real world na tayo magtagpo.

Kung saan tayo na talaga. Ako ang babaeng para sa'yo, at ikaw naman ang para sa akin. 'Yung wala ng hahadlang pa.

LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon