Flint Crossford:
•ActiveLloraigne Estelle:
Hello, wala kaming class now this afternoon. Half day lang kami.
Sa wakas! HAHAHAHAHA!
Nakaka-stress 'tong week na 'to e. Mabuti na lang kahit half day lang na walang class at least merong stress-free day.
Hey, ikaw kamusta ka na?
Flint Crossford:
Good afternoon, miss Estelle 🌻
Mabuti kung ganoon. Pahinga ka.
Sulitin mo 'yang half day mo. Baka paspasan na naman next day jk!
Lloraigne Estelle:
Ang sama mo!
😠
Parang hinihiling mo pa!
Pasalamat ka masaya ako ngayon, tse!
Flint Crossford:
Kalma lang HAHAHAHA!
Joke lang nga.
Btw, may naisip ako...
Lloraigne Estelle:
Nag-iisip ka pala?
Flint Crossford:
Ay grabe!
Malamang, may utak ako e.
Lloraigne Estelle:
Meron ka pala?
Flint Crossford:
☹️
Inaaway mo 'ko.
'Wag na nga.
👍
Lloraigne Estelle:
Oy, joke lang hehe.
Galit ka na niyan?
Sira, hindi ka pa nasanay sa akin.
Sorry na!
Makatampo naman 'to...
Flint Crossford:
Inaaway mo kaya ako.
Lloraigne Estelle:
Sorry na nga... Ikaw kaya nanguna...
Flint Crossford:
Sorry na... Excited akong sabihin tapos sarcasm pa reply mo...
Look oh, I'm sad.
☹️👉👈
Lloraigne Estelle:
Baliw ka HAHAHAHAHA!
Infairness, kamukha mo 'yung emoji.
Flint Crossford:
Ay grabe siya talaga.
Nagtatampo na talaga ako.
Lloraigne Estelle:
Charot lang baliw!
Sabihin mo na... Go!
Flint Crossford:
May naisip nga ako, roleplay tayo.
Tutal roleplay naman talaga dapat ang ganap dito.
Lloraigne Estelle:
So ano?
Flint Crossford:
Magpanggap tayong tayo.
Maging tayo.
BINABASA MO ANG
LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di ko inaasahan na roon ko pa pala mararanasan ang tunay na saya, kilig, at halo-halong emosyon. Doon...