Mainit ang panahon ngayon. Mukhang nakikisama sa amin ang panahon. Mabuti naman nga kung ganoon. Hindi kami mahihirapan sa paglakbay sa bundok.
"Grabe naman dito, ang putik-putik! Hays! Ang init pa oh!" Reklamo ni Joselle. Co-doctor ko. Isa siya sa mga kasama ko sa medical mission na ito. Mahina lang naman ang pagkakasabi niya.
Marahan ko siyang siniko.
"Aray naman!" Reklamo niya.
"Ikaw talaga! Bakit ka nag-volunteer kung magrereklamo ka lang din?" Napairap pa ako.
"Ihhh! Hindi naman ako nagrereklamo talaga! Sinasabi ko lang 'yung observations and feelings ko!" Pagrarason niya pa. Muli akong napairap. Mabuti na lang talaga bestfriend ko 'to. She's one of my best friends in real life. Simula bata, she's my bestfriend. Siya lang talaga ang mag-d-doctor sa amin. Nagulat nga lang siya ng sumunod ako sa kaniya.
Nagtataka nga sila kung bakit ako nag-doctor. Everyone knows na Engineering ang gusto ko. Ang layo sa pag-d-doctor, ano?
Ganoon nga talaga siguro, everything happens for a reason. I realized na baka ito ang career ko. Actually, I am already a licensed Engineer but I chose to be a licensed Doctor. Ilang years ba akong nag-aral sa college? More than 16 years, I think? Iyon ang taong ginugol ko para makapagtapos sa dalawang kursong ito.
Gusto ko kasing matulungan ang mga tao na pagalingin ang mga sakit nila. I want to save them as possible. Ayokong may pamilya ang umiiyak dahil sa pagluluksa sa pagkamatay ng kapamilya nila. I already felt that. I don't want them to feel that too. The pain from experiencing that? It is unbearable.
Also one of the major reason is that I want to achieve the dream of Quiro. This what he wants. To save lives. To cure people. To be able to help others. I want him to achieve that. Kaya nag-desisyon akong ako na lang ang tutuloy ng pangarap niya.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong ng isang doctor na babae sa head doctor namin at sa guide.
"Medyo, mukhang gagabihin pa nga tayo. Hayaan niyo, maghahanap tayo ng safe place kung saan pwede tayong magpalipas ng gabi. Kumpleto naman tayo sa gamit." Sagot ng guide. Marami kami ang naandito. Mga seventeen kami lahat. Balita namin, walang medical assistance ang lugar na ito dahil nga sa bundok ito at malayo sa sibilisasyon. Kaya napili namin ang lugar kahit pa na delikado.
Tahimik kaming naglakad. Mga tunog ng hayop at pag-apak namin sa mga dahon ang maririnig. Mas nakakapagod kasi kapag pati bibig mo, nag-iingay.
"Ano ba 'yan, nakakatakot pala sa bundok. Hindi ba gusto mo ang hiking? Hindi ka ba natatakot? Tingnan mo ngayon, oh! Ang creepy pala!" Saad ni Joselle. Napailing ako sa kaniya.
"Wala namang nakakatakot. Lalo na kung marami naman tayo. Matakot ka kapag napagod ka diyan kakaingay mo tapos iiwan ka namin dito." Pagsuway ko sa kaniya.
"Grabe siya! Bubuhatin naman siguro ako ni Doctor Jimenez e! Hehe!" Napatingin tuloy ako sa tinitingnan niya. Kinikilig pa talaga siya! Walang imik at deretso ang tingin at paglakad. Parang robot. Ganiyan talaga si Dr. Queffer Jimenez. Prim and proper. Yes, Jimenez. Pangalawa sa magkakapatid na Jimenez. Kuya siya ni Quiro. Nagulat nga ako nang mag-doctor siya. Pero sabi nila pangarap naman daw talaga ni Doc ang mag-doctor. Isa sa rason ay si Quiro. Iyon ang sabi ng mommy nila.
Pinili kong mag-stay sa lugar nina Quiro. Nang mag-college, pinili kong doon mag-aral. Kaya same school kami ng kuya niya at same ng lugar kung saan nagtrabaho. But we're not close. Masyado siyang ilap. Tahimik na tahimik. Kabaliktaran nga raw ni Quiro.
But I don't care, hindi ko naman kailangang i-close siya.
"Hoy, nakikinig ka ba?" Bumalik lang ako sa reyalidad dahil sa pag-snap ni Joselle ng fingers niya sa harap ko mismo.
BINABASA MO ANG
LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di ko inaasahan na roon ko pa pala mararanasan ang tunay na saya, kilig, at halo-halong emosyon. Doon...