Flint Crossford:
•ActiveLloraigne Estelle:
Nakakatawa sa gc. Akala naman nila totoo na e.
Flint Crossford:
'Yon nga ang point HAHAHAHAH!
Ang paniwalain sila.
Lloraigne Estelle:
So...
Dahil wala naman tayong topic...
Let's talk about our past relationships, if meron.
Gee ka ba?
If not, okay lang naman. Find another topic, gano'n.
Flint Crossford:
Nope. Okay ako diyan. Para naman mas makikilala pa kita.
Ikaw maunang magtanong.
Lloraigne Estelle:
Sige...
So, ilan na ba 'yung ex ng isang pro na Mr. Flint Crossford?
HAHAHAHAHAHA!
Flint Crossford:
Hmm...
Ano...
Lloraigne Estelle:
Ay, ang daming ex oh! HAHAHAHAHA! Nahihirapan magbilang.
Flint Crossford:
Luh? Nahihirapan nga dahil walang mabibilang.
Lloraigne Estelle:
Huwag ako!
Ikaw pa HAHAHAHAHA!
Hula ko, sobra 100 na 'yan 'no?
Flint Crossford:
Grabe ka naman sa akin.
Wala akong ex. As in zero HAHAHAHA!
Lloraigne Estelle:
Weee?
Liar 'to. Umamin ka na.
Oh baka naman...
Torpe ka siguro 'no?
HAHAHAHAHA, sabi na e.
Pero okay lang 'yan. Normal lang 'yan.
Flint Crossford:
Hindi 'oy. Anong torpe ka diyan HAHAHAHA!
Ako? Torpe? Sa gwapo kong 'to, no way.
😎
Lloraigne Estelle:
Wee?
Saan banda?
Hindi nga?
Flint Crossford:
Sayang, hindi ko mapakita gwapo kong mukha..
Golden rule.
Lloraigne Estelle:
Sus!
Torpe ka lang.
Nagrarason ka pa HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di ko inaasahan na roon ko pa pala mararanasan ang tunay na saya, kilig, at halo-halong emosyon. Doon...