Hugs:
•ActiveHugs:
Hello, kisses!
Kamusta ka?
Three days na lang, new year na.
Ano new year's resolutions mo?
Alam mo, isa sa mga new year's resolutions ko ay ang mag-exercise. HAHAHAHAHA! Ang tamad ko e.
Pero don't worry, hindi naman pangit katawan ko. Pero syempre, hindi lang ganoon ka-macho.
Pero sus! Ako pa, pogi pa rin naman ako.
Isa sa mga wish ko, ang maka-attend sa meet up natin next year. Gusto kitang makita. Gusto ko rin ipagmayabang sa'yo 'tong kagwapuhan ko, syempre. Saka mag-prepare muna ako, para hindi lang mukha ko maibida ko. Baka magulat ka kapag may eight-packs abs na ako.
Excited akong makita ka in person, next year. Attend ka ha. Lagot ka sa akin kapag hindi ka um-attend. Remember ang curse ni Ryv? Habang-buhay kang magiging single.
Kaya attend ka. Ayokong madamay. Ayokong maging single habang-buhay.
143 kisses!
BINABASA MO ANG
LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di ko inaasahan na roon ko pa pala mararanasan ang tunay na saya, kilig, at halo-halong emosyon. Doon...