Present

6 4 0
                                    

Ngayong nasa harap niya na ako. I can't even think of any. Na-mental block na nga rin ako. Let's say, I'm so starstruck? Ito pala talaga ang impact sa'yo ng taong mahal mo, ano? You're speechless. Feels like you're about to explode as your heart keeps beating and beating like a cheetah. Everyone in the room were gone as you feel you both own this moment.

Para bang nasa teleserye lang ako. Noon, napapanood ko lang ito. I didn't know na mangyayari pala ito sa akin in real life.

Natawa ako sa naisip. Nababaliw na ako sa harap niya.

Marahan kong hinaplos ang glass na tumatakip sa kaniyang mukha. He's really handsome. Kaya naman pala ang yabang yabang niya. Pinagyayabang niyang pogi siya. Ang kapal talaga ng mukha, hays. Pasalamat siya totoo.

Humugot ako ng isang malalim ng hinga.

Gusto kong umiyak. Pero wala ng luha ang mailabas ang mga mata ko. Since that day, I cried endlessly. Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw na akong paiyakin ng mga mata ko ngayon.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Ang amo ng mukha niya. 'Yung ilong niyang napakataas, perfect na eyebrows niya, mga labing parang hinulma sa isang perfect moulder, payat nga siya. Pero hindi naman ganoon na sobrang payat. He still has this good body kahit alam kong malaki ang binawas ng timbang niya dahil pabalik-balik na pala siya sa hospital.

Sabi nina Harder, na-COVID na rin pala siya. Pero gumaling siya, salamat sa Diyos. Ang hindi nila alam, nagkaroon ito ng rare skin disease. Wala pang cure kaya, walang may alam kung paano siya pagagalingin.

Nang malaman ko 'yon, awang-awa ako sa kaniya. Pagod na pagod na siya. Ang dami niya ng naranasan na sakit pero naka-survived siya. Hindi na ako nagtataka kung bakit sumuko na ang katawan niya ngayon. He managed to survived all of those, but even he still wants to live, he can't because his body already has enough. His body was already tired. Simula pa lang kasi daw noong mga bata sila, sakitin na talaga siya. Gamot na lang nga daw ata ang dumadaloy sa mga ugat niya.

But he still tried to be a normal kid and teenager. Pumasok sa school nang normal schedules, makipagkaibigan sa halos lahat, at mag-aral ng mabuti to the point na naging valedictorian siya ng batch nila.

He seems perfect. But of course, no one is perfect talaga. He's sick.

Nakakalungkot na kung sino pa ang deserving mabuhay, sila pa itong namamatay. Kung sino pa 'yung taong gusto pang magtagal, sila pa 'yung kinukuha.

But we can't question God, He knows what's best. He knows what He's doing. I know may rason kung bakit hinayaan niyang magpahinga na si Quiro. Maybe, it's really his time.

Masakit man isipin pero lahat naman tayo roon din papunta. Some just died earlier than us. We can't deny the fact that death is inevitable. Kahit anong takbo natin, hahabulin pa rin tayo ng hahabulin.

"Ang gwapo pala talaga niya, 'no?" Bahagya pa akong nagulat nang magsalita bigla si Divoughn, Tiarra ang real name niya. Hindi ko na naramdaman ang presence nila.

"Sus! Ikaw Divoughn ha. Kay Lloraigne 'yan." Saad naman ni Ryv, Lucas ang real name niya pero gusto niyang tawagin namin siyang Lux.

"Baliw! Sinasabi ko lang, as if naman pagpapantasyahan ko. May Cail na ako, ano!" Nakangiting hinaplos ko muli ang glass. Sayang at hindi ko siya pwedeng hawakan.

"Kayong dalawa talaga, aso't pusa 'yarn?" Pag-awat sa kanila ni Brianna na ang totoong pangalan ay Soleil dahil mukhang magsasabunutan na sila. Mga baliw talaga.

"Che! Ito kasing baklang 'to. Hmmp!" Pahabol pa ni Tiarra.

"Pasalamat ka bes, nasa harapan tayo ni Flint, che!" Hindi naman nagpatalo si Lux.

"Tigil na. Respeto kay Flint, ingay niyo! Baka magalit na niyan sa inyo, sige kayo. Nagpapahinga 'yung tao e." Pagsaway ulit ni Brianna.

Gusto kong matawa sa kanila. Kahit papaano gumaan ang loob ko dahil nandiyan sila. They really are the best. Talagang pinapasaya nila ako. Lagi silang nangangamusta, nag-iingay. Pero syempre, hinintay talaga namin ang meet up bago nagsabihan ng mga real names, nag-video calls, at nagsabihan ng mga tungkol sa amin in real life.

Hindi na ako nagulat nang bigla nila akong niyakap. Si Divoughn ay talagang nakayakap, si Brianna ay humawak sa braso ko at si Ryv naman ay pinatong ang dalawa niyang kamay sa shoulders ko.

"Always think na andiyan lang siya lagi. Hindi siya nawala sa atin. Sa halip, mas lagi na nga natin siyang kasama. Nasa puso natin siya." Biglang pagsalita ni Divoughn. Pinipigilan ko ang sarili na umiyak. Ayokong matuluan ng luha ko ang kabaong ni Quiro.

"Sa true! Ayaw ba natin 'to? May taga guide na tayo oh. May kasama na ang guardian angels natin sa paggabay sa atin." Saad naman ni Brianna. Hinampas naman siya ni Ryv.

"Baliw! Magpapahinga na nga siya, papahirapan mo pa. Ginawa pa talagang taga-guide? Liwba ka! Ipapa-stress mo pa sa atin." Natawa ako sa sinabi ni Ryv. May point. Siguradong napapa-face palm na si Quiro sa kanila.

"Kayo talaga..." Natatawa kong sabi.

"Lloraigne, you love him right?" Tanong ni Divoughn. Tumango ako bilang sagot. "Then set yourself free from loneliness. Huwag kang magpakalunod sa kalungkutan. Oo, alam kong nasa stage ka pa kung saan iiyak ka buong magdamag, pero please, learn to move forward. Hindi niya gugustuhin na makitang nag-s-suffer ka. Ayaw namin na makitang habang-buhay kang magluluksa." Sobrang pigil sa pag-iyak ang ginawa ko.

"I-I know that... A-alam kong gusto niyo ay ang best para sa akin... I will move forward, I swear. But for now, I'll grieve first, before I fully live my life without him physically." Niyakap ako ng mahigpit ni Divoughn bago kumalas. Tinapik naman ako sa likod ni Ryv.

"Yeah, we only want what is best for you. May tiwala kami. May tiwala kaming kakayanin mo 'to. Ikaw pa ba? But if you need help? We always have your back." Napangiti ako sa sinabi ni Ryv. Alam ko 'yon. Ramdam ko. Kaya hindi ako nag-w-worry. Alam kong mawawala rin ang karayom na nakatusok sa puso ko ngayon dahil may mga taong handa akong tulungan para tanggalin iyon. Alam kong gagabayan ako ni Quiro, o Flint, o Hugs, o kahit ano pang pangalan niya.

"Maiwan ka na muna namin, okay lang ba?" Tumango ako kay Divoughn. "Okay, let's go..." Pag-aya niya kina Brianna, ayaw pa sanang umalis ng dalawa pero no choice dahil hinila na sila ni Divoughn.

Ngayong mag-isa na lang ako ulit, kumawala na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sabay na tumulo ang mga luha mula sa dalawa kong mata. Sabi nila, kapag naunang tumulo ang luha mula sa kanang mata, ibig sabihin ay masaya ka or tears of joy iyon. Kapag sa kaliwa naman, tears of sadness. Pero kapag both or sabay, ibig sabihin ay tears of pain, depressed, or frustrations iyon. In pain naman talaga ako. Depressed sa pagkawala niya.

"Iha?" Agad akong nagpahid ng luha. Lumayo ako ng kaunti kanina sa kabaong, ayaw ko naman ipabaon kay Quiro ang luha ko.

"Y-yes po?" Magalang kong tanong kay Tita Merideth. Siya ang ina ni Quiro.

"So you're Lloraigne?" Ngumiti ako at tumango. Nakangiti sa akin si Tita. Nakakahiya pero sinusubukan kong maging confident sa harap niya.

"A-actually po, Paige po ang real name ko..." Nakangiting explain ko. Mas lalong napangiti si tita.

"Yeah, Paige. My son always talks about you." Nagulat ako nang lumapit si tita at hinawakan ako sa braso. "Ikaw ang bukang bibig niya. Alam mo ba? Every morning, he's always excited to get his phone so he can chat on you. Doon ko lang ulit nakita ang happiness sa mga mata niya. His eyes are always dull kahit pa na masaya siya sa harap namin. Pero kapag kausap ka niya, hindi lang labi niya ang ngumingiti. Pati ang mata niya, nagniningning." Hindi ko na napigilan. Nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Akala ko ay ubos na, maling akala pala.

"First time ko siyang makitang in love. Ang saya ko kasi, naranasan niya 'yon. Mas lalo akong masaya dahil ikaw ang babaeng napili niya. He's lucky to have you... You made him feel the love that I couldn't give even I'm his mother. The love that you can get from a person your heart belongs." Humikbi ako. Napayakap sa akin si Tita. "Paige, thank you. Mas pinahaba mo ang buhay ni Quiro. I'm always grateful to yoy for that. Salamat, anak." Mas lalo akong naging emosyonal sa itinawag sa akin ni Tita. Her embrace feels more warm because of that.

In that moment, I knew. I am now a Jimenez. I may not have it on my name, but in my heart, it will always be there.

LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon