Flint Crossford:
•ActiveLloraigne Estelle:
Ano nga pala chika mo? 'Di ba meron kang chika?
About what?
Flint Crossford:
Ahh oo nga pala!
So ayon nga, may kaibigan ako...
Lloraigne Estelle:
An'yare?
Flint Crossford:
Duwag e.
May nagugustuhan siyang babae. Actually, kakakilala niya lang. Pero hulog na hulog na siya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang nararamdaman niya. Natatakot siya. Natatakot siyang ma-reject. Natatakot siyang baka hindi maniwala ang babae dahil kakakilala pa lang nga nila.
Saka sa world na kinabibilangan nila, mahirap maniwala dahil hindi mo alam kung ano ang totoo sa hindi.
Lloraigne Estelle:
Ohhh
Tapos?
Hirap nga niyan.
Flint Crossford:
Kaya ayon, takot ang gago.
Takot mag-confess. Ayaw niyang sabihin sa babae.
Lloraigne Estelle:
Nagkakausap naman ba sila?
Flint Crossford:
Oo, palagi nga e.
Lloraigne Estelle:
Wala ba siyang nararamdaman na baka gusto rin siya ng babae?
Flint Crossford:
Wala. Ewan?
Hindi mo naman masasabi kung ano 'yung totoo kung sa chat lang 'di ba?
Lloraigne Estelle:
Ahh, sa chat lang ba sila nag-uusap? Hindi pa ba sila nagkikita in person?
Flint Crossford:
Yeah, sa chat lang.
And nope. Hindi pa, and mukhang malabong magkita sila.
Lloraigne Estelle:
Ang pain naman niyan.
Ang hirap kasi ipadama 'yung feelings kung sa chat lang...
Pero malay niya 'di ba?
Malay niya may feelings din naman pala ang girl sa kaniya. Hindi niya lang alam kasi napapangunahan siya ng takot. Kaya hindi niya nararamdaman na may pagtingin din 'yung girl sa kaniya.
Walang masama na sabihin niya 'yung nararamdaman niya. Kasi hindi niya malalaman ang gusto niyang malaman kapag hindi niya sinubukang alamin.
Flint Crossford:
May tama ka
Baka lasing ka niyan? Jk!
Lloraigne Estelle:
*/roll-eyes
Baliw!
Pero sa totoo, maiksi lang ang buhay, huwag siyang magsayang ng panahon. Baka kasi mahuli siya, mas masakit mag-regret kaysa ma-reject.
BINABASA MO ANG
LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)
Novela Juvenil[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di ko inaasahan na roon ko pa pala mararanasan ang tunay na saya, kilig, at halo-halong emosyon. Doon...