Hugs:
•ActiveHugs:
Good morning, kisses!
Kisses for you😘
Excited ako sa new year, sa beach daw kami pupunta. Doon daw kami mag-n-new year. Ang saya ko.
Hindi ako palaging nakakapunta roon kaya ang saya ko.
Update kita with pictures. Siguradong ganda ng view doon.
Kisses:
Ang galing naman!
Sana all ha!
Ako want ko mapuntahan ang iba't ibang bundok. Gusto kong mag-hiking. Hindi pa ako pinapayagan now kasi delikado raw. Pero isa iyan sa mga goals ko.
Hugs:
Kung pwede lang, sasamahan kita sa new year.
Soon, sasamahan kitang akyatin lahat ng bundok. Matataas na bundok. Mt. Everest ang goal HAHAHAHA!
Gusto kong magkasama nating aakyatin lahat ng 'yon, tutuparin lahat ng pangarap natin.
Alam mo ba, I had this dream, na kasama kitang umakyat sa bundok. Sa mataas na bundok. Ang genuine ng smile mo. Ang ganda mo roon.
Kisses:
Baliw, 'di mo nga alam mukha ko e.
Hugs:
Hehe, blurred nga HAHAHAHAHA!
Pero alam kong maganda ka.
So ayon nga, ang saya mo roon. Hindi ko naman expect na gusto mo pala talaga ang umakyat ng mga bundok. What a coincidence 'no?
Kisses:
Tumayo balahibo ko roon ha HAHAHAHAHA!
Baka nag-time travel ka. Yiiee! Sasamahan mo ba talaga ako?
Hugs:
Oo naman, kahit saan pa 'yan.
Sasamahan kita, susuportahan.
Ganiyan kita kamahal.
BINABASA MO ANG
LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di ko inaasahan na roon ko pa pala mararanasan ang tunay na saya, kilig, at halo-halong emosyon. Doon...