LCA 78

4 4 0
                                    

Harder Russell
Active

Harder:

Lloraigne...

Lloraigne Estelle:

Ano nang balita, Harder?

May balita ka na ba?

Kamusta na si Flint?

Anong nangyari sa kaniya?

Harder:

Ano...

Lloraigne, sa buhay 'di ba minsan... hindi naman lahat good news ang natatanggap?

Lloraigne Estelle:

Anong ibig mong sabihin?

Harder:

Sinugod sa hospital si Flint, last week.

Nagkaroon siya ng rare skin disease. Umabot hanggang puso at utak niya ang epekto ng allergies. Hindi namin alam kung ano ang nag-trigger. Wala rin cure dahil rare ito at biglaan ang pag-atake.

Typing...

Lloraigne Estelle:

Nagbibiro ka ba?

Harder:

Nakita kong lumaban siya.

Alam kong lumalaban siya nang mga panahong iyon. Nandoon kami ni Dwight nang mga panahong lumalaban siya, Lloraigne.

May inabot nga pala siya sa aking letter.

Gusto niyang iabot ko sa'yo next week, sa meet up.

Lloraigne Estelle:

Hindi 'yan totoo.

April ngayon.

April fool's ba 'to?

Huwag naman sana ganitong joke.

Ang sakit ng joke niyo.

Hindi na nakakatawa.

Harder:

Sana nga isang joke na lang 'to Lloraigne.

Kahit kami, hindi namin matanggap. Kahit kami, hirap isipin ang nangyari!

Kahit kami hinihiling na sana joke niya lang 'to.

Na bigla na lang siyang susulpot at sasabihing 'it's a prank!'.

Pero hindi e.

Walang nangyaring ganoon.

Maybe he's really tired. He needs to rest. Let's just accept that.

Can we?

Let him rest, Lloraigne.

Ayaw niya rin na makitang nalulungkot ka. Please, kahit sa ganitong paraan, makatulong tayo sa kaniya.

Napag-usapan pala sa GC. Bibisita tayo sa kanila.

Sorry, Lloraigne.

Seen.



LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon