Hugs:
•ActiveHugs:
Mas magandang magpaalam pero kung babalik ka pa naman, para sa akin huwag na lang magpaalam.
Parang kapag nagpaalam ka kasi ibig sabihin may posibilidad na hindi ka na babalik. Na tuluyan kang aalis.
Kaya para sa akin, kung aalis man ako pero babalik din naman, hindi ako magpapaalam.
Kung mamamatay man ako, gusto kong umalis nang hindi nagpapaalam. Gusto ko pang bumalik, kaya ayokong isipin nila na hindi na ako babalik pa.
Ang hirap kaya magpaalam lalo na kung sa taong mga mahal mo at malapit sa'yo. Tini-Trigger mo lang din sila na malungkot sa pagkawala mo.
Parang mas okay na maglaho ka na lang ng parang bula kaysa magpaalam pa.
Kisses:
Ba't naman umabot ka na sa patay, patay, sira!
Ang pangit mo naman ka-bonding! Nalulungkot ako oh.
Baka maglaho ka na lang bigla ng parang bula riyan, sapakin kita.
Hugs:
That will never be happen, silly! HAHAHAHA!
Magpapakita pa ako sa'yo, kisses.
Hindi pa nga tayo nag-m-meet e.
Kalma lang.
I love you🌻
BINABASA MO ANG
LOVE, CAMERA, ACTION! (Epistolary Novel)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di ko inaasahan na roon ko pa pala mararanasan ang tunay na saya, kilig, at halo-halong emosyon. Doon...