Brace's POV
Nag enjoy ako kahapon kasama si Janine. Enjoy naman pala siya kasama. Nagpunta pa nga kami sa EK hahaha!
'Nakita ko si Prince Brace at Janine kahapon sa EK! Holding hands!'
'Sila nga diba? Tanga lang teh?'
Bulungan na naman. Haay nako.
Naglalakad ako ngayon papunta sa room. Aayain ko ang barkada sa tryouts ng basketball ngayon. Syempre, dapat andun si Janine. Inspiration -- teka ano ba tong pinagsasabi ko? Tss. Hindi ako inlove sa babaeng yun noh.
"Oy Brace! Dito ka na pala!" Bungad ni Joaquin sa akin pagpasok ko sa room.
"Ay wala. Kaluluwa ko lang to." Sabi ko sa kanya. Hahaha.
"Epal mo." Sabi niya.
"Nga pala, tryouts ngayon sa basketball. Sali tayo?" Sabi ko sa kanila.
"Oo ba. Tara na!" Sabi ni Ryle.
"Teka lang." Sabi ko at lumapit kay Janine.
"Janine, sama ka sa amin. Manuod ka ng tryouts namin sa basketball." Sabi ko.
"Ayoko." Sabi niya.
"Sige na please! Libre kita ng ice cream mamaya. Game?"
"Oh tara! Sabi ko nga. Basta libre huh!" Sabi niya. Hahaha! Ice cream lang ang katapat."
"Tara na." Sabi ko sa mga itlog at lumabas na kami sa room. Hinawakan ko yung kamay ni Janine habang papunta kami sa gym. No reaction lang sya. Syempre, hindi mawawala ang mga nagbubulungan. Mga chismosa.
Nakarating na kami sa gym. Pinaupo ko si Janine sa bakanteng upuan. Nandun rin pala mga classmates niya kaya nakisama na siya.
Kami namang anim. Dumiretso sa court.
"Oh boys! Andito pala kayo." Sabi ni Couch.
"Ay siguro wala kami dito couch." Sabi naman ni Joaquin. Tumawa nalang si Couch. Loko talaga to.
"Brace, gagawin ko kayong players namin. Yun ay kung.. Matatalo niyo sila.." Sabi ni Couch at tinuro yung limang lalaki sa may kanan.
"Game." Sabi ko.
"Mga tol, lima lang ang maglalaro. So, sino tanggal?"
"Ako na lang." Sabi ni Grae.
Pumwesto na kaming anim. Kaya namin to!
*******
Janine's POVLangya talaga tong Brace na to! Isama pa ako dito.
Nagsimula na yung game nila.. Hot pala ni Brace pag nakajersey -- teka wala akong sinabi huh!
"Go Brace!" Sigaw ng mga fangirls niya. Nakoo kalbuhin ko kayo.
Naka 3-points siya. Galing. Tumingin siya sa akin at nag wink. Leshe. >_<
"Woooooo! I love you Joaquin!" Sigaw nitong katabi ko. Naka3-points rin si Joaquin.
Nakakaboring naman to. =__= haaay nakooo. Buhay na to! >_<
---------------
Lame update! Sorry xx
BINABASA MO ANG
Aking Prinsesa 2
FanfictionSa hindi inaasahang pagkakataon. Nagkakilala kami. Hindi magkasundo sa una pero nagbati at unti unting nahulog sa isa. Abangan!