Brace's POV
Nasa garden ako at nakaupo. Cancelled ang pasok eh..
"Brace!" Lumingon ako at nakita si Nash at Grae na hingal na hingal.
"Oh? Napano kayo?"
"Si ano.. Kasi.. Ang ano ng ano niya.. Wooh!" Sabi ni Nash. Aba't gagong to. -_-
"Sinong ano?! At anong ano?!"
"Si John!" Sigaw niya. Napatigil ako.
"Anong ginawa niya?"
"Kanina room nila napasukan ko, tapos ang talim ng tingin niya!!!" Sigaw niya sa akin.
"Maghunos dili ka Nash. Nasa harap mo lang ako grabe ka makasigaw." Sabi ko. Umupo sila sa bakanteng upuan sa harap ko. Bale, magkaharap kami ngayon.
"Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganyan pala siya..." Nalulungkot na sabi ni Nash..
"Kasi ang pagkakakilala namin sa kanya. Tahimik, kalog at mabait. Pero di pala.." - Grae
"Dito pa rin ba nag-aaral si Zelo?" -Nash
"Oo. College na siya.." Sagot ko..
"Puntahan natin?"
"Wag. Delikado." Sabi ko at tumingin sa may rooftop. Tanaw ko ang isang kilalang bulto. Kung hindi ako nagkakamali, siya yun.
*******
3rd person's POVMula sa malayo ay tanaw na tanaw NIYA sina Brace na seryosong naguusap.
"Siguro naman alam nila ang pakay ni John." Sabi nito at umalis na sa lugar na kanyang kinaroroonan.
Naglakad na siya at hinanap ang kanyang kasama.
"Kumusta? Naagaw mo na ba siya?" Tanong nito sa kasama.
"Hindi. Mahirap. Masyado niyang mahal ang kanyang nobyo." Sabi nito..
"Tsk. Walang kwenta." At tumalikod sabay lakad palayo sa kasama niya..
*******
Brace's POVNasa canteen kami nina Janine ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay John.
"Babe.." Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.
"Hmm?"
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Layuan mo si John." Biglang singit ni Joaquin. Atat much?
"Ha, bakit naman Joaquin?"
"Masama siyang tao." -Grae
"Ano--" pinutol ko ang susunod niyang sasabihin.
"Basta. Trust me Janine.." Sabi ko at tumayo at iniwan sila dun. Gusto ko mapag-isa.
*******
Joaquin's POV
Naiwan kami nina Janine at Grae dito sa table. Tsk
"Ano ba ang problema Joaquin?" Tanong ni Janine sa akin.
"Complicated Janine eh. Hayaan mo muna si Brace." Sabi ko at napatahimik siya. Mula sa malayo ay may nakita akong lalakeng naka hoody na jacket. Nagsisimula na ata ang plano NILA.
"Grae, Nash practice tayo maya." Sabi ko. Tumango naman silang dalawa.
"May band practice kayo mamaya?"
"Ha? Ah oo Janine. Ahm, mauna na kami ah. Sumabay ka na lang kela Sharlene paguwi. Ingat ka ha?" Sabi ko at naglakad na. Sumunod naman yung dalawa.
"Tol, diba dapat na natin sabihin sa kanya n gangster tayo?" Tanong ni Grae sa akin.
"Wag muna."
--------------------
May part 2 pa po. :)) Vomment please.
BINABASA MO ANG
Aking Prinsesa 2
FanficSa hindi inaasahang pagkakataon. Nagkakilala kami. Hindi magkasundo sa una pero nagbati at unti unting nahulog sa isa. Abangan!