Brace's POV
Nasa secret place na kami ng barkada. 6pm pa lang. Si Manong magsusunod mamayang 7:30 kay Janine.
"Oh ano tol? Ano pang kulang?" Tanong ni Joaquin. Nag aarrange kasi sila para sa date namin ni Janine mamaya. First monthsary to kaya dapat special.
"Tol nasaan si John?" Tanong ko kay Joaquin.. Kanina pa kasi siya wala, itatanong ko sana yung tungkol sa flower at chocolate na iniwan niya sa table ni Janine nung isang araw.
"Kanina pa nga namin tinetext pero hindi nagrereply. Pansin ko rin na hindi na siya masyadong sumasabay sa atin.." Sabi ni Nash.
"Oo nga eh, nung isang araw rin. Kinausap ko sya. Nahuli ko kasi siyang nakatingin kay Janine. Iba eh. Iba tingin niya kay Janine nun." Sabi ni Grae.. Bull's eye!
"Sa tingin ko, may gusto siya kay Janine." Sabi ni Nash.
"Hindi. Mali kayo ng iniisip." Sabi ko.
"Ha? ano bang sinasabi mo? Yun naman talaga tol eh. Kasi iba tingin niya kay Janine. Ibig sabihin.." Si Joaquin. Pero napatigil siya.
"Zelo.." Sabay naming sabi.
"Ha?!" Si Nash at Grae. Shit. Wala pa pala silang alam tungkol kay Zelo.
"Saka na natin pagusapan si Zelo. Ihanda na natin ang kakailanganin mamaya." Sabi ko. Shit. Sana mali ang hinala namin ni Joaquin.
*******
Joaquin's POV"Ang saya nilang dalawa ano?" Sabi ni Grae sa akin. Tumango lang ako at ngumiti.
Kanina pa nagsimula ang surprise ni Brace para kay Janine. Ang saya nilang dalawa. Kasalukuyan silang sumasayaw ng SLOW DANCE. Perfect couple. Nagtatawanan sila. Masaya sa isa't isa. Masaya kami ng barkada para sa kanilang dalawa.
"Red, sino ba si Zelo?" Biglang tanong ni Nash sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Pasensya na bro,. Wala akong karapatan para sabihin sa inyo kung sino si Zelo. Kung gusto niyo,. Bukas. Si Brace magkukwento." Sabi ko. Tumango na lang sila at itinuon ang pansin kay Janine at Brace. Nasa isang sulok lang kami ng Secret Place namin at pinagmamasdan sila.
Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang maagaw na naman si Janine ni Kuya.
*********
Nash's POVKanina pa ako nakatingin kay Janine at Brace na kasalukuyang naghahabulan sa ulan. Yeah, ulan. Napakaromantic kasi nila kaya pati ulan, naiyak. Lol.. Haha
'Sino kaya si Zelo?' Yan ang tanong na paulit ulit kong iniisip. Para kasing narinig ko na somewhere ang pangalang yan.
"Nash, uwi na tayo." Yaya ni Grae sa akin.
"Eh si Joaquin?"
"Sasabay rin siya. Nagpaalam na kami kay Brace. Uuwi na rin naman sila maya maya."
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Hindi ko ka kailangan pang maging curious kay Zelo, kasi bukas. Malalaman ko na ang totoo.
-----------
Sino kaya si Zelo? :))) you'll find out. SOON.
BINABASA MO ANG
Aking Prinsesa 2
FanfictionSa hindi inaasahang pagkakataon. Nagkakilala kami. Hindi magkasundo sa una pero nagbati at unti unting nahulog sa isa. Abangan!