Janine's POV
Nasa bahay lang ako. Walang pasok ngayon kasi may meeting ang mga teachers. Haay!
1 new message..
From: Joaquin :)
Hi Janine! Can we meet? Dito sa mall nina Nash. Nandito kami nang barkada. See you!Ano na naman kailangan ng mga to? Oh well, boring naman. Pinahanda ko na lang ang kotse ko kay Manong. Yup,I have my car.
Nagbihis muna ako. White V-Neck shirt then Pants and Vans shoes lang ang gamit ko. At nakalugay ang buhok. Cool. Haha! Then shades syempre. Hindi na ako nagdala ng bag, iphone 6 ko lang ang dala ko.
Nagdrive na ako papunta sa mall nina Nash. After 25 mins nakarating ako agad at nagpark at pumasok na.
Hinanap ko sina Joaquin.
1 new message..
From: Joaquin :)
Tingin ka sa kanan.Tumingin naman ako sa kanan at nakita ko yung grupo ng lalake na may nakasulat sa shirt nila.
"HEY GIRL." Yan yung nakasulat. Huh?
1 new message..
From: John :)
Tingin ka sa taas ^^Tumingin ako sa taas at may nakita akong mga girls. May hawak silang tarpaulin.
"Simula nung makilala ka, di mapaliwanag sa sarili mundo ko ay nag-iba." Yun ang nakasulat. Anong pakulo ng mga to.
1 new message..
From: Grae :)
Lakad ka,then stop sa may Jollibee. :)Naglakad nga ako at nagstop sa may Jollibee.
1 new message..
From: Ryle :)
Tingin ka sa left side.Tumingin ako at may mga batang may hawak na white roses. At sa likod ng shirt nila may nakasulat.
"Hey Girl,simula nung makilala ka,ang araw-araw maganda napuno ng kulay at saya."
1 new message..
From: Nash :)
Lakad ka lang, then stop sa may stage. :) see you and enjoy xxNaglakad nga ako. At.. Woah..
"Hi Janine! Hope you enjoy." Sabi ni Joaquin at nagsimula siyang mag gitara.
"Hey Girl simula nung makilala ka, di mapaliwanag sa sarili mundo ko ay nag-iba." Si Brace. Siya yung kumakanta..
"Hey Girl,simula nung makilala ka,ang araw-araw maganda,napuno ng kulay at saya" kanta niya.
Bumaba siya mula sa stage.
"Janine.. Salamat sayo,ang puso ko'y sayo lamang.." Sabi niya at hinawakan kamay ko at tinapat sa puso niya.
"Sana wag kang malito.. Dahil hindi ako nagbibiro.." Sabi niya. Tiningnan ko siya sa mata. Full of lust and love..
"Janine.. Can I court you?" Nabigla ako sa tanong niya..
Tumingin muna ako kina Joaquin at nakangiti sila sa akin. Huminga muna ako ng malalim at nagsalita..
"Yes Brace.." Sabi ko.
"YES! Yahoo!" Sabi nang barkada. Hindi ko aakalain na darating sa point na liligawan ako ng kumag na to.
"Thank you Janine." Sabi niya at niyakap ako.
"AYIEEEEE! Bagay kayo!" Sabi na naman ng barkada. Baliw. Hahaha!
****************
--------------------------------------
BINABASA MO ANG
Aking Prinsesa 2
FanfictionSa hindi inaasahang pagkakataon. Nagkakilala kami. Hindi magkasundo sa una pero nagbati at unti unting nahulog sa isa. Abangan!