Brace's POV
Kakauwi ko lang galing sa gang fight. Konting galos lang naman,nakalmot kasi ako ng tauhan ni Jairus.
Pumunta ako sa terrace. Ala una na ng madaling araw.
Bakit nga ba ako pumunta kina Janine kanina? Bakit ko rin ba siya niyakap? At.. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ng mga oras na yun? Inlove ba ako? Pero.. Hindi.. Hindi ako Inlove.. Hindi..
"Haaay,gulong gulo na talaga ako!" Sigaw ko. Tsk
*******
Janine's POVAla una na madaling araw. Pero hindi ako makatulog. Yang Brace kasi na yan eh! May pasok pa naman bukas. @@
Bakit nga ba hindi ako makatulog? Bakit ba nasa isip ko pa rin yung nangyari kanina? At bakit habang yakap niya ako..ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi.. hindi ako inlove sa kumag na yun!
"ARGHHH! Bwisit ka Brace! Ginugulo mo isip kooooo!"
**********
Joaquin's POVNaghaharutan kami ng barkada dito sa classroom. Wala pa kasi si Brace. Pati nga rin si Janine.
"Oh ayan na pala si Brace!" Sigaw ni Nash. Ano nangyari? Puyat to ah?
"Hoy Brace, ano nangyari? Bakit puyat ka?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at nagdukdok sa desk niya.
"Nice talking!" Sabi ko.
"Sister! Bakit ka puyat?!" Rinig kong sigaw ni Jose. Andito na rin pala si Janine. At..puyat rin! Hala! Ano bang nangyari?
Same reaction ang binigay ni Janine kay Jose at naupo na siya sa tabi ni Brace at natulog rin.
Nagkatinginan kami ng barkada.
"Alam na!" Sigaw naming lima.
********
Brace's POV"Hoy hoy Brace! Gising na." Sino ba tong istorbo!
"Ano ba?!" Sigaw ko.
"Hoy kaninang umaga ka pa tulog. Lunch time na!" Sabi ni Joaquin. Lunch na?! Anong oras na!?
Tumingin ako sa orasan ko. 12:01 pm na. Sheez! Ang tagal ko palng tulog.
Tumingin ako sa katabi ko. Hala? Bakit tulog rin tong si Janine?
"Huy,bakit tulog rin to?" Tanong ko kay Joaquin.
"Ewan! Pagdating rin niya dito natulog rin. Puyat kayo pareho! Anong ginawa niyo huh?!" Sabi ni Joaquin. Loko.
"Tumahimik ka ngang bakla ka! Wala kaming ginawa gago!" Sabi ko sa kanya.
Ginising ko si Janine. Baka magutom pa to.. Nagmulat naman siya.
"Brace?" Sabi niya.
"Tara na sa canteen. Kain na tayong lunch." Sabi ko
"Lunch na?!" Sabi niya.
"Kakasabi lang diba?"
"Shit."
Naglakad na kaming pito patungong canteen. Bulungan na naman ang mga chismosa. Tsk. Mga to. Mga walang magawa.
*******
Janine's POVKakatapos lang namin kumain ng lunch. Kasabay ko sina Kumag. Ang tagal ko palang natulog kanina --"
"Nga pala Janine,bakit ka puyat?" Biglang tanong ni Joaquin sa akin.
"Hindi kasi ako makatulog." Sabi ko.
"Eh ikaw Brace?" Baling nila kay Brace. Huh? Tulog din pala yan kanina?
"Same. I can't sleep." Sabi niya. Nagtinginan naman yung lima.
"Aaaaaahhhhhh." Sabi nila.
"Eh,bakit hindi ka makatulog Janine?" Tanong ni John.
"May iniisip kasi ako. At wala na kayong pake dun!" Sabi ko.
"Eh ikaw Brace?" Tanong naman niya kay Kumag.
"May iniisip rin." Sabi niya at nagkatinginan naman yung lima.
"Ahhhhhh okaaaay!" Sabi nila. Mga baliw talaga mga to. Tss.
-----------------------------
Sa tingin niyo? Inlove na ba sila sa isa't isa? Hahaah! Oh dedicated sa lahat ng BU! Comment niyo lang if want niyo magpadedicate. :))
BINABASA MO ANG
Aking Prinsesa 2
FanficSa hindi inaasahang pagkakataon. Nagkakilala kami. Hindi magkasundo sa una pero nagbati at unti unting nahulog sa isa. Abangan!