Brace's POV
Tok tok tok!
Tss! Ang aga pa,. Sino bang kumakatok?! Leche! Pagod pa ako sa byahe galing Japan!
"Go away!" Sigaw ko.
Tok tok tok!
"I said go away!" Sigaw ko ulit. Tumigil naman yung pagkatok. Mabuti.
BOOOGSH!
Napatayo ako bigla. Sira na pinto ng kwarto ko!
"Da-daddy! Wh-what are you do-doing here?!" Waaaah! Si Daddy! May hawak na armalite!
"Walangya kang bata ka! Kanina pa ako kumakatok tapos sisigawan mo lang ako ng go away?! Ano bang ginagawa mo huh?!" Sabi niya. Waaaah!
"Natutulog D-Daddy! Alangan naman magswimming?! Waaah! Joke lang Daddy!" Paano ba naman tinutok sa gwapo kong mukha yung armalite. T_____T
"Maligo ka na! Kakain na tayo ng breakfast!" Sabi niya at binigay yung armalite sa driver namin. Si Manong Ben.
"Oh?! Ano pang tinutunganga mo jan huh Henry?!" Sabi niya sa akin. Napabalikwas ako at agad na tumakbo papuntang Cr.. Weew!
"Pasalamat ka Daddy may baril ka kung wala! Nako!" Sigaw ko mula sa CR.. Siguro naman lumabas na sila. Heheh!
"Anong sabi mo huh Henry?!" Sigaw niya mula sa labas! Waaaaah!
*bang bang!
Waaaaaaah! Binaril ni Daddy yung pintuan!
"Waaaaah! Joke lang daddy! Jo-Joke lang!" Nauutal kong sigaw. Wooh! Takot ko na lang sa baril ni Dad eh.
Naligo ako agad at nagbihis.
Nagsalamin muna ako saglit.
"Tsk! Gwapo mo talaga Brace! Wahahaa!" Sabi ko sa sarili ko na nakatutok sa salamin. Bumaba na ako pagkatapos.
"Oh! Mabuti naman at bumaba ka na Henry!" Sabi ni Daddy.
"Daddy! Bakit kayo nagpaputok ng baril kanina?! Muntik na akong maheart attack eh!" sabi ko.
"Aba't hoy! Sa pagkakaalam ko wala ka namang sakit sa puso huh?!" Sabi ni Daddy sa akin. Sa kanya nga ata ako nagmana.
"Sabi ko nga po."
"Oh siya, kumain na tayo." Sabi ni Mommy. Sanay na si Mommy kay Daddy. Tsk! Kung hindi lang talaga kapangalan ko si Daddy eh. Pero ayos yun! Brace kaming dalawa. Pareho pang gwapo! ^_^
Kumain na kami at nagpaalam na ako kay Mommy at Daddy na pumanhik na sa kwarto ko.
"Haaay! Ang boring naman!" Tulog pa kaya si Janine?! Matext nga.
To: My Babe ^^
Hi Babe.. Gising ka na ba? Have a nice day! :*Pagkatapos ko siyang itext ay tinago ko na lang muna cellphone ko.. Sigurado naman akong tulog pa yun.
Nagbukas na lang ako ng TV. Yown! Spongebob ang palabas! ^___^
********
Dahan dahan akong nagmulat. Sheez. Nakatulog pala ako. >_> anong oras na ba? Hala! 2pm na!
Agad agad kong kinuha yung phone ko. Waaaah! 52 messages at 32 missed calls. Lahat galing kay Janine. Ay joke.. Meron pala galing sa barkada.
Tinawagan ko agad si Janine.
Me: Hello?! Hello babe! Sorry. Nakatulog ako habang nanunuod ng spongebob eh.
Siya: ay? Ayos lang babe! Kumain ka na ba?
Me: wala pa eh.
Siya: kain ka na huh! Sige babe, bye! I love you! Mwah!
*toot toot
Ay grabe. Di pa nga ako naka I love you too!
---------------------------
Lame! Hahaha x))) Comment please!
BINABASA MO ANG
Aking Prinsesa 2
FanfictionSa hindi inaasahang pagkakataon. Nagkakilala kami. Hindi magkasundo sa una pero nagbati at unti unting nahulog sa isa. Abangan!