Today is another day but nothing's really change, tambak kami sa gawain. Kung hindi ka marunong mag manage ng oras mo siguradong sa kangkungan ka pupulitin. Mellizza, my bestfriend, rested her head on my shoulders habang kunwaring umiiyak dahil sabay lang naman na nag-announce ang Statics at Differential Equation namin.
"Ayoko na! Magddrop na lang talaga ako!" inilingan ko siya dahil last year ganon din ang sinabi niya nung first sem pa lang pero andito pa rin siya.
"Gusto mo ba samahan kita mag-file ng LOA?" naghahamon kong tanong dahil alam kong bibigay din siya.
"Gagang to! Di man lang ako icheer-up, kahit kelan ka talaga eh noh." inirapan niya ako habang ako ay tawa lang ng tawa.
Last subject na namin iyon ngayon at pupuntahan namin si Dior sa kabilang building. Kung si Melizza ay naghahamon na sa ere na magdrop, si Dior naman ay kabaligtaran. Dahil gustong gusto niya ang Interior Design kaya walang bahid ng stress and mukha. Tahimik akong tumayo sa labs ng clasroom ni Dior habang si Melly ay parang kandidato na binabati ang bawat dumadaan. Nang lumabas ang prof nila ay nauna na akong pumasok para salubungin ang kaibigan.
"Girls!!! Saan tayo?" excited niyang tanong. Inantay ko si Melly na makapasok bago ako magdesisyon dahil wala akong alam sa mga bar, ang madaming alam ay si Melly.
"Saan daw tayo?" pagpapasa ko ng tanong.
"Katip na lang. Maaga pa naman, sunduin ka namin Ali mamayang 4 pm. Sulitin na natin bago mag-exam next week!" pagtingin niyang muli sa relo niya.
"Ok! Can my friend come over and bring some of his friends too?" tumango si Melly tsaka kami nagsimulang lumakad.
Pareho kaming second year ni Melly na civil engineering ang course, magkakaklase kaming tatlo nila DIor noong high school kaya naman hanggang ngayon ay tuloy tuloy ang pagkakaibigan namin. Nauna na si Dior at Melly at hinatid lang nila ako sa parking. I drive my own car. I had too. Life forces me to become independent and I am okay with it.
I just find peace that things happen for a reason.
My place was just a fifteen minute drive away from the school. This condo is the closest place I did manage to find nung panahon na naghahanap ako. My mom paid for this as well as all my expenses, pero kahit ganoon ay pinipilit ko pa rin na gastusan lang ang mga kailangan ko talaga.
I greeted the guard before going to the elevator. My unit was surprisingly in the upper building, 16th floor. Maaga pa naman. Isa lang ang subject namin ngayong Sabado at matatapos iyon dapat ng 11 am. Pero dahil saglit lang kaming kinita ng prof namin para magremind ng mga pointers para sa finals namin next week kaya 10 am pa lang ay na-dismiss na kami agad.
Since it was still early sa napag-usapan namin na oras, nagdesisyon ako na bumaba muna sa gym ng building na to para magpa-pawis. I will barely get time to exercise next week, might as well grab this time na lang.
I change into my usual outfit. Bikers short at sports bra sa loob ng isang loose white shirt. Nahihiya ako na magsports bra lang kahit na akma naman iyon sa lugar. Binaon ko rin ang tumblr ko at itinali ang buhok para hindi sagabal sa gagawin ko mamaya.
I started running on treadmill for about 15 minutes bago ako nag stretching papunta sa punching bag. I do boxing. On daily basis I'll probably do the classic bodyweight exercises gaya ng sit-ups, push-up and others, pero dahil sasakit ang katawan ko panigurado kung gagawin ko iyon ay diretso na ako sa punch throwing .
I'd like to keep my reflexes in a good shape. Paulit-ulit kong sinusuntok ang bag hanggang sa lumayo ito sa akin at sa tuwing babalik ito sa direksyon ko ay iiwasan ko ito at lilipat sa ibang pwesto para muling suntukin papalayo sa akin.