9

2 0 0
                                    


The grounds are swamped with many engineering students. Nakatayo rin sa paligid ang ilan sa mga tent at stall na may tarpaulin ng mga kilalang kumpanya. Mga fourth year naman talaga ang target nila eh, nadamay lang kaming mga lower year.

"Omg! Happy Birthday, Babe!!" Dior jumped at me and hugged my back. Tumawa ako dahil sa kiliti.

She looks so pretty with her white shorts and cream top.

"Lalasingin kita ulit mamaya." Melly smirked before she kissed my cheek.

"Pasalamat ka birthday ko at di ako papalag." she grinned and they both clung their arms on my sides.

"Tara na! Hahanap tayo ng gwapo!" Melly screamed kaya tumawa ako.

"Saglit lang ako 'coz I have class today." Dior pouted. "I'll just text you guys."

Dior sprinted away towards her building kaya naiwan kaming dalawa. Sabay naman na dumako ang tingin namin pareho sa tumpok ng tao sa isang stall. At karamihan ay mga babae.

"Tingin tayo baka may guwapo!" Melly pulled me as she walked towards there.

"Teka! Bumababa tube ko!" reklamo ko sa kaniya dahil ang bilis ng lakad niya. I'm fixing myself when I heard one of the students asked.

"So how many trainees are you accepting po?" one woman enthusiastically asked.

"I think maximum na ang thirty OJT's right, Brent?" another woman answered. My head straightened up upon hearing that name.

"Ah, yes. As much as we want to accomodate all student hindi kakayanin. Just submit your application to your registrar." my eyes went directly to the owner of the voice.

It was him! I don't need to tip toe dahil abot na ng paningin ko ang kinaroroonan nila. The woman beside himis the same woman that welcome him sa restaurant.

"Ay pakshet...." bulong ni Melly nang sundan niya ang tingin ko.

The familiar bitterness spread to my whole body. She's wearing a very mature and formal attire. The emerald green dress is hugging her curves perfectly I cannot help but to compare her to me. Her beach wave hair compliments her face.

"Tara na! Ang pangit pala dito!" Melly said. Hinawakan niya ang braso ko para italikod but I glared at her.

Ikinawit ng babae ang braso nito sa kaniya habang patuloy sa pakikipag-usap sa mga estudyante. Is that even needed in entertaining the students? Psh. At ang kumag ay paminsan minsan na nakikitawa rin.

My eyes went to the necklace hanging on her neck. Pinakatitigan ko iyon. Did he gave that to her? Psh. Bakit pa siya nagtanong sa akin kung wala rin naman sa dalawang iyon ang pipiliin niya.

Jealousy and insecurities swallowed me in. Napayuko ako at napatingin sa sarili. Ano bang laban ko jan? Pagak akong natawa. And as I lift up my head, our eyes crossed. His smile slowly faded and I quickly turn my back.

"Tara na." mabilis kong lakad paalis.

"Wag mong sabihin na papaapekto ka sa kumag na yon?! Birthday mo ngayon noh! Bawal malungkot!" I stayed silent.

"I'm not sad. Andami lang tao at isa pa hindi pa naman natin kailangan mag-inquire." I rebutt.

I continue walking hanggang sa malakabas kami ng covered court. The sun hit my skin and for a second it brought warmth until it felt scorchingly hot. Tinakbo namin ni Melly ang lilim ng mga puno.

"Hey..." rough hands captured my arms. The touch is so familiar na hindi ko na kailangan pang lumingon.

"Hmm?" sagot ko tsaka tuluyang nilingon si Brent.

In Your ArmsWhere stories live. Discover now