"Naku, Ma'am! Bisita kayo ni Engr. Melizza naabala pa kayo!" paumanhin ng lalaking intern sa floor nila Melly.
"Ay, hindi, okay lang! May meeting si Melly kaya lumabas muna ako." tinulungan ko siyang magpulot ng nagkalat na bond paper.
"Uy ano nangyari, Vance?"
"Tulungan na namin kayo!"
"Kami na po dito, Miss!"
Dumating ang mga kasama niyang intern din siguro at sabay sabay kaming nagpulot ng bond paper. Sobrang dami ba naman kase ng bitbit niya kaya dumulas ang iba at ang ilan ay lukot na dahil sa pinulot.
"What the hell is happening?" sabay sabay kaming napatingin kay Brent na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Engineer! Pasensya na po nahulog sa kamay ko!" paulit ulit na yumuko si Vance sa harap ni Brent na diretso naman ang tingin sa akin. Tumayo ako at inayos ang pantsuit na suot.
"Huwag mo na pagalitan, hindi naman niya sinasadya" sumabat ako pero mas lalo lang nanlsiik ang tingin sa akin ng boss nila.
Ay, bawal ba sumingit?
"And why are you defending him?" luh, nagpapaliwanag lang eh.
"I'm suggesting, Brent." I scoffed at him. I just remember my internship noon. Laging galit ang senior namin at puro pasa ng utos kaya alam ko kung gaano kahirap at istrikto ang mga tao sa interns.
"Ayusin niyo na yan. Ang dami niyo namang magpupulot gaano ba kabigat ang bond paper na yan?" nagtaas siya ng kilay.
"Ay engineer, kakadating lang namin! Etong si Madam at Vance lang andito kanina!" masaya pang paliwanag ng isa.
"Really?" nanatili ang mata ko sa kaniya kaya nakita ko ang pagdaan ng pagkairita niya.
It's so ridiculous that I want to irritate him more.
"Bakit?" taas ko rin ng kilay sa kaniya. "Lumaki akong matulungin." tumawa ang mga intern kahit na hindi naman para sa kanila iyon.
His lips are in a grim line now kaya naman hindi ko napigilan ang ngisi. I just admitted to myself that I'm still in love with him and seeing him act this way, I can't help but think that he's jealous.
Are you, Brent?
"On my office." turo niya sa akin. At napaturo rin ako sa sarili ko tinatanong kung ako ba ang kausap niya. Bumuntong hininga naman siya sabay irap bilang sagot.
I stalked him from behind. Para akong bata na nakasunod sa magulang. My hands are clasped on my back at lumilinga linga sa nadadaanan namin. Binalik ko lang ang tingin nang tumunog ang glass door niya at inaantay akong makapasok.
"Bakit? May sasabihin ka?" I sat on his sofa habang nanatili siyang nakatayo medyo may distansya sa akin.
"You're staying here. Matagal ang meeting ng kaibigan mo dahil project niya iyon." I nod. I'm so proud of my friend.
Go get that blueprint, girl!
"Wala naman akong gagawin dito. Mas gusto ko don sa labas." nguso ko sa pinto niya.
"You're disturbing my employees." saad niya bago pumunta sa upuan niya.
"The ambiance here is so light. Mag-apply kaya ako?" kumunot ang noo niya at tinitigan akong mabuti.
"Hindi kita tatanggapin."
"Ouch." umakto akong nasasaktan. "I worked well under pressure, sabi ng mga tauhan ko noh. Tsaka andito si Melly kaya mas masaya." at andito ka rin, makikita kita madalas.